Lexi's POV
Napatingin ako kay Jill nang gumapang siya sa ilalim ng mesa at tumabi sa akin.
"Hoy Lex, sabihin mo nga. Kaano-ano mo ba si Vaghn huh? Noong isang araw, magkasama kayo. Niligtas ka pa niya. Ngayon naman, sabay din kayo. Magtapat ka nga sa akin, ano ba talaga kayo huh?" Tanong niya sabay hawak sa kamay ko.
"Ahh---wala. Mag--m--magkakapit-bahay la--l--lang kami. Tama---magkakapit-bahay lang kami." sagot ko at umiwas ng tingin.
Ano na naman ba ang pumasok sa kukote ng babaeng 'to at nagtanong na naman?
"Ganoon ba? Hmmm okay. Pero kung mag-jowa kayo, okay lang naman. Isang milyon lang naman ang fansclub ni Vaghn."
"Isang milyon? Sigurado ka ba?---"
"Miss San Diego!"
Malakas na hinampas ni sir ang blackboard. Napatakip ako sa bibig ko at nag-peace sign.
"Sorry sir,"
Nakalimutan kong nasa gitna pala kami ng klase.
"Lex naman, hinaan mo nga 'yang boses mo. Patay tayo kay sir niyan eh."pabulong na saway ni Jill.
Tingnan mo 'to, siya na nga nakipag-chismis sa akin, ako pa ang may kasalanan. Sarap batukan.
"S---sorry. Pero seryoso ka ba? 1 million?"
Ang dami pa lang fans ng hinayupak na 'yon. Alam kong may mga fangirls siya. Pero seryoso, 1 million? Eh ang sungit n'on. Parang may menopause araw-araw, laging nakasimangot.
"Noon pa lang kasi sikat na ang BBG---"
"BBG?"sigaw ko pero syempre mahina lang. Baka mamaya, pagalitan na naman ako.
"Black Blood Gang, pinamumunuan 'yan ng papa ni Vaghn kasama ang mga papa nina Cian. Kaya ganoon na lang sila kasikat. Balita ko, number 1 sila sa Dark Society."
"Dark Society!"
Sigaw ko ulit. This time napalakas na talaga ang boses ko.Tiningnan ko si sir.
Nanlilisik na ang mata niya.
Patay.
Tinakpan ko ang tainga ko dahil panigurado---"Miss San Diego and Miss Driona, get out!"
Galit niyang sigawSabi ko na eh. Bakit ba kasi ako sumigaw.
"Ano pang hinihintay niyo? Labas!"
Nakayukong kinuha ko ang bag ko at lumabas ng classroom. Kasunod ko si Jill.
"Aray."
Daing ko ng bigla niya akong binatukan."Ang lakas kasi ng boses mo eh."
Paninisi niya"Sorry. Nagulat lang naman ako."
Paliwanag ko at umupo sa may bench."Okay lang. Kasalanan ko rin naman."
Nakangiti niyang saad at tumabi sa akin.Mabuti alam mo.
"Ahh--Jill 'yong Dark Society ba ay 'yong parang grupo ng mga masasamang tao?"
May narinig kasi ako tungkol sa DS noon, hindi nga lang ako sigurado.
"Masasamang-tao ka diyan? Hindi naman lahat. Ang dark society binubuo 'yan ng mga gangsters at mafias. Delikado pero may mababait rin naman sa kanila." Mahaba niyang paliwanag.
"Paano mo naman nasabi? Eh mga mafias nga diba?"
"Bakit masama ba sina Vaghn?" tanong niya.
Napatawa naman ako."Obvious ba? Eh kasing-ugali nga ni Satanas ang taong 'yon. Kasing-lamig pa ng ng yelo."
Sagot ko at umiiling-iling.Pero deep inside, gusto kong sabihing hindi. Minsan rin niya kasi akong niligtas. Pero hindi ko naman pwedeng gawing batayan 'yon. Malay niyo masama talaga siya. Leader nga ng gang eh.
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...