Lexi's POV
"Ahhm-----p--pwede ba akong ma--m--magtanong?"kinakabahan kong tanong kay Grey.
Hindi siya sumagot. Seryoso lang siyang nakatingin sa malayo.
"S--si--sino ka? I--I mean, alam kong ikaw si Grey p--pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung b--bakit mo ako niligtas?"
Dugtong ko."Gusto mo bang patayin kita?" Balik niyang tanong sabay tingin sa akin.
"Hi--hindi---syempre ayoko pang mamatay. Hindi ko lang maintindihan kung bakit mo-- ginawa 'yon."
Nakapagtataka naman talaga. Pwedeng-pwede niya akong patayin doon pero hindi niya ginawa. Hindi naman sa gusto kong mamatay, gusto ko lang malaman ang rason.
Tumayo siya at inilagay sa magkabilang bulsa ang dalawang kamay.
"Sabihin na nating--"huminto siya saglit "kailangan pa kita."
"Eh?"
He just smirked at naunang naglakad paalis. Kunot-noong sinundan ko siya ng tingin.
Kailangan? Ako? Saan?"Weird."
Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumawag.
Maam Zheira?
"Hello ma'am?"
("Ms. San Diego pwede ka bang pumunta dito sa opisina?")
"Sige po. Papunta na po ako."
Nakailang katok pa lang ako ay pinagbuksan na ako ng isa niyang bodyguard. Dalawa ang bodyguard ni Maam Zheira. Ang creepy nga eh, hindi man lang sila marunong ngumiti.
"Ano po ang----"
Bakit siya nandito?
"You know Mr. Walker? Right?"
Tanong ni Maam Zheira."O--opo."
Masama ang kutob ko dito---sana hindi tama ang hinala ko. Sa--
"Gusto kong samahan mo siyang maglibot-libot dito sa campus. He's a transferee kaya hindi pa siya masyadong pamilyar dito."
Sabi ko na eh.
Ako talaga ang gagawin niyang tour guide. Kahit niligtas niya ako, hindi naman yata tama 'to."Ms. San Diego?"
Nilingon ko si Grey, nakatingin siya sa akin. Pero blanko. 'Yong walang expression ang mukha. Hindi yata siya marunong ngumiti.
"A--ahh--o--okay lang po sa akin per--pero may g--gagawin pa po---"
"Ako ng bahalang magsabi sa instructor niyo."putol niya.
Wala na akong ibang magawa kundi ang tumango.
Ayaw ko na rin naman pumunta sa susunod na klase. Filipino, nakakaantok na, sakit pa sa tainga ang boses ng prof, parang nagdadasal."Saang banda ang arena dito?"
tanong ni Grey.Nasa harapan na kami ng music room.
"Arena?"
"Oo, Arena." Diin niyang sagot.
Kumunot ang noo ko. May arena ba sa eskwelahan? May saltik yata 'to sa utak.
"Ito ang music roo--"
"Ang tinatanong ko ----saang banda ang arena?"
Sumeryoso ang mukha niya. Lihim akong napalunok.
"A--arena? S--sa pagkakaalam ko---walang ganyan dito."
"Kung ganoon---nagkamali pala ako."sabay talikod paalis.
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...