Lexi's POV"Hoy Vaghn, seryoso ka ba? Palalabhan mo sa akin ang mga 'to?"
Sigaw ko at itinuro ang dalawang basket ng damit."Nababaliw ka na ba? Naka-wheelhair po ako, hindi mo nakita? Paano ko lalabhan 'yan?"
Baliw yata 'to eh.
"That's not my problem. Make sure to wash this or else you'll know what happen."
Naglakad na siya paalis.
Inis na sinundan ko siya ng tingin. Walang-puso.Paano na 'to? Balak yata akong tuluyan ng unggoy na 'yon. Hayst.
'Di bale, bukas ko na lang 'to lalabhan. Pwede ko na namang kunin ang bandages ko sa likod. May damit pa naman siguro siyang masuot. Imposibleng wala, ang yaman niya eh.
At isa pa, alas-7 na ng gabi. Papasok pa ako bukas.Pumasok na ako sa kwarto at dahan-dahang tumayo mula sa wheelchair. Nagbihis ako ng pajama at white sleeveless. Hindi na ako naghilamos. Humiga na ako sa kama at natulog.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising nang makarinig ako ng malakas na kalabog. Bumangon ako at nagmadaling pumunta sa kusina.
Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang mga damit na nagkalat sa sahig. Tiningnan ko si Vaghn. Walang emosyon sa mukhang nakatayo siya habang hawak-hawak ang isang basket.
Napaigting ako nang hinagis niya ito nang malakas."You---"
Nag-aapoy ang matang lumapit siya sa akin. Umatras ako pero mabilis niya akong hinawakan sa braso. Napapikit ako nang maramdaman kong bumaon ang kuko niya sa balat ko.
"Didn't I told you to washed my fucking clothes?"cold niyang tanong at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"V--V--Vaghn, a--ang braso k---"
"Shut up! Now what do you want me to do? Huh? What the fuck do you want me to do!"
Ang braso ko namumula na ito at malapit nang dumugo.
Napakagat na lang ako sa labi para hindi mapaiyak."What! Fuck it, why are you so stupid? Useless freak!"
Sigaw niya. Napapikit ako."I---I'll wash it j---just please---please l--let me go."
Pagmamakaawa ko. Marahas niya naman akong binitawan."You---B---Be thankful I can't kill you right now."
Binangga niya ako sa balikat at malakas na isinirado ang pinto. Napaupo ako sa sahig nang makaramdam ako ng panginginig sa tuhod.
Problema niya? Damit lang naman 'yon eh. Bakit ganoon na lang siya kung umasta.
Hinawakan ko ang braso ko at tiningnan ang sugat. Tumulo ang luha ko nang nangingitim ito.
Ang lalaking 'yon---ganoon ba talaga siya? Ba--bakit--
Pinunasan ko ang luha ko at pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig.
Inilagay ko ito sa basket at dinala sa may washing machine.Lalabhan ko na lang 'to. Bahala na kung hindi ako makapasok, baka kasi mamaya kung ano naman ang gagawin niya sa akin. Sa itsura niya kanina, hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin.
Nakakatakot siya. I swear. Para siyang---para siyang halimaw.
"Ms. San Diego,"
Pumikit ako at bumuntong-hininga.
"A--ano na nam---"
Napakamot ako sa ulo nang makita ko siyang seryosong nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...