Chapter 16: Disaster

1K 47 0
                                    

Lexi's POV

"Banana Cake,"Grey na kanina pa nakahawak sa itlog.

"Chocolate,"kontra naman ni Vaghn.

"Banana,"Grey

"Chocolate,"Vaghn

"Bana--"

"Tama na!" Sigaw ko.
Pareho naman silang napatingin sa akin. Naririndi na ang tainga ko sa kanila. Kung pwede ko lang silang putulan ng dila matagal ko ng ginawa. Bakit kasi sila pa ang naging ka-grupo ko eh.

"Marunong ba talaga kayong magluto? Tss, akin na nga 'yan."

Kinuha ko ang hawak na itlog ni Grey at binalik sa tray. Baka ipukpok niya sa ulo ni Vaghn eh, maging referee pa ako.

"Para walang gulo, magsearch na lang tayo ng tip sa youtube. May laptop naman kayo 'diba?"

Scroll up--- scroll down.
Ang dami kong nakitang recipe at video kung paano i-bake ang cake pero wala akong naintindihan. Bakit ba kasi cake pa ang naisip ni Ma'am eh.
Kainis. Bagsak talaga ako nito.

"Let's do that one." Vaghn at itinuro ang video ng Lava Cake.

Tiningnan ko ito. Mukhang madali naman. Tumango ako at nilingon si Grey na tahimik na nakasandal sa sofa.

"Okay lang ba sayong ito ang i-be-bake natin?" Tanong ko sabay turo sa Lava Cake vid.

"Okay lang." Tipid niyang sagot.
Kahit hindi naman nakatingin.

"Okay. So tara na?"

"What do you mean?"  Napairap ako sa tanong ni Vaghn.

"Grocery. Bakit kompleto ba ang recipe mo dito?" Nasa bahay niya kasi kami ngayon. Sayang nga lang at wala si manang, namimiss ko na siya eh.

"Can't you buy it on your own?"
Sarap niya talagang batukan, grr.

"Kung alam ko lang ang ingredients niyan, bakit hindi? Kaya lang hindi ko alam diba? Akala mo naman gusto kitang makasama, pssh."

Sinukbit ko na ang bag ko at pinandilatan siya ng mata nang nanatili pa rin siyang nakaupo.

"Ano? T--"
Bigla akong inakbayan ni Grey.
"Let him be."
Tinanggal ko ito pero lalo niyang hinigpitan.

"Eh? T--teka--"

"Tsk."
Biglang tumayo si Vaghn at nakapamulsang lumabas ng bahay.
Tiningnan ko si Grey pero nagkibit-balikat lang siya. Problema n'on?

Lingon sa kaliwa---lingon sa kanan. Binitawan ko ang hawak kong basket at nilingon ang dalawa.

"Hoy, ano? Naging unggoy na ba kayo ngayon  at buntot kayo ng buntot sa akin?" Suway ko.

Mula kasi ng dumating kami dito sa supermarket, nakabuntot na sila sa akin. 'Buti sana kung nagsasalita sila, kaya lang hindi. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao.

"V--Vaghn alam mo 'yong vanilla diba? Ikuha mo ako noon." Utos ko.

Matalim niya naman akong tiningnan. Yumuko ako. Nakakatakot pa rin talaga siya.

"A--a--at ikaw G--Grey, ikuha mo ako ng butter."

"What---"

Iniwan ko na silang dalawa.
Nagtago ako sa kabilang shelf, pagsilip ko sa kinaroroonan nila. Napangisi ako. Marunong rin naman palang sumunod.

"Okay Lex, time is running."

Binili ko na ang mga natirang ingredients, eggs, baking spray, powdered sugar, etc. Nang matapos na ako ay hinanap ko na silang dalawa.

G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon