Lexi's POV
"Ano ba! Gusto mo bang mamatay, huh? Kasi ako, hindi pa."sigaw ko kay Vaghn.
Sa halip na bagalan niya ang pagpapatakbo ay lalo niya itong binilisan. Napahawak tuloy ako sa seatbelt.
Nanginginig na 'yong tuhod ko sa kaba. Kapag ako namatay, mumultuhin ko talaga ang abnormal na 'to.
May isang malaking truck ang nag-overtake sa amin.
"T--teka---ahhhh!"Bigla niya itong hinabol, pero dahil sa bilis hindi niya napansin 'yong maliit na kotse. Muntik na niya itong mabangga mabuti mabilis siyang nakaliko sa kanan.
"Vaghn, bwesit ka. Ihinto mo 'to, bababa ako."
Sigaw ko ulit.
Bigla namang siyang magpreno. Malakas na tumama ang mukha ko sa harapan ng kotse."A--aray."
Hinihimas-himas ko ang mukha ko. Ang sakit. Walanghiyang lalaking 'to."What are you waiting for?"
I'm waiting for you to die, bwesit ka.
"That's not going to happen."
Tiningnan ko siya ng masama. Nanggigil na talaga akong suntukin ang pagmumukha niya. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ni Maam Zheira at pinasama niya sa akin ang abno na 'to. Baka mamaya maulit na naman ang nangyari noon.
Kaya ko namang bumili ng dress ng wala 'to eh. Sakit lang 'to sa ulo.
"Get out."
Inirapan ko siya at padabog na lumabas ng kotse.
Akala ko kukulitin niya akong sumakay ulit pero bigla na lang niyang pinaandar ang kotse at pinaharurot paalis.Langhiya, sineryoso niya talaga 'yong sinabi ko.
Paano na 'to. Mukhang wala pa namang sasakyan ang dumadaan dito.
Malayo pa kasi ito sa highway. Tapos dagat sa gilid. Maganda 'yong view kaya lang nakakatakot. Ni huni nang ibon wala akong marinig. Para itong Hunted City esti Hunted Road.Napayakap ako sa sarili ko nang dumampi sa balat ko ang hangin. Grrr, ang lamig.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa pero wala ito.
Patay, wag mong sabihing naiwan ko 'yon sa kotse? Naku naman, bakit ko ba kasi sinabing baba ako eh. Hindi naman pala mabiro ang abno na 'yon.Palingon-lingon sa likod na binaybay ko ang daan. Baka kasi mamaya may biglang multo sa likod ko o masamang tao. Mamatay pa ako ng maaga.
Ilang oras pa ang lumipas ay parang taon na para sa akin. Tagaktak na 'yong pawis ko sa noo. Sumasakit pa 'yong paa ko. Buti na lang, humilom na 'yong sugat ko sa daliri. Hindi ko alam kung paano nangyari pero paggising ko bumalik na 'yong kuko na natanggal. Tinanong ko si manang Silva pero wala daw siyang alam. Kung sino man ang may-gawa nito, salamat na lang sa kanya.
Wala pa akong nakikitang bahay. Kung kanina dagat ngayon naman mga naglalakihang puno. Mukhang malayo sa lungsod ang pupuntahan namin.
May malapit namang Boutique d'on sa Park Subdivision. Kaya lang sabi ni Maam Zheira doon daw kami bibili sa Grail Boutique Shop, sa kaka-choosy niya, ito ang inabot ko.
Isang waiting shed ang nakita ko sa di-kalayuan. Tumakbo ako papunta dito at 'agad umupo.
Grabe, kapagod.Pinisil ko ang paa ko at nilibot ang paningin sa paligid. Napatayo ako nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan.
"Sa wakas."
Tumayo ako at dali-daling pinara ang isang delivery truck or should I say pig truck? Puro baboy ang sakay eh.
"Manong, pwede pasabay? Please po, magbabayad po ako kahit magkano---"
Teka wala pala akong pera.
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampirgeschichtenC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...