Chapter 7: Accidentally saved by him

1.3K 65 14
                                    

Lexi's POV

Katatapos lang ng second subject namin which is english. Dumiritso 'agad ako dito sa may garden. Friday na ngayon kaya wala si Jill, nasa hospital. Ngayon na yata lalabas si Alex.

Sumandal ako sa puno at bumuntong-hininga. Napalingon ako sa may pathway nang makita ko si Raiden. Nag-iisa lang siyang naglalakad habang nakapamulsa, papunta yata siya sa classroom.

"Rai!"
Tawag ko.

Huminto siya at blankong tumingin sa akin.

"Y--yong notebook mo, salamat huh."

Inabot ko sa kanya ang notebook at ngumiti nang malapad.

Kinuha lang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Napaismid na lang ako at sinundan siya ng tingin.

Ganoon ba talaga siya? Masyado siyang tahimik.

Bumalik na ako sa garden at nagtingin-tingin sa mga bulaklak.  Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla itong tumunog.  Nagugutom na talaga ako pero wala akong ganang kumain. Ang weird nga eh, parang walang lasa ang bibig ko.

Kagaya kanina, nagluto ako ng kare-kare pero n'ong kumain na ako---

"A--a--ayaw mo ba--bang kumain?" Tanong ko kay Vaghn.

Tiningnan lang niya ako at may kinuhang bote sa parang isang cooler. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang laman ng bote, lage kasing nakakandado.

"O--okay, mukhang ayaw mo nga."
Sambit ko na lang at nagsimulang kumain.

Nakaisang subo pa lang ako nang makaramdam ako ng kakaiba sa lalamunan. Unti-unti ay naramdaman kong umanghang ang bibig ko. Wala namang sili 'yong pagkain.

"A--anong nangyayari? Ba--b--bakit--aish!"

Uminom ako ng tubig pero 'agad ko itong naibuga nang lalong sumakit ang lalamunan ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. Wala naman akong sakit, hindi rin ako nilalagnat. Nakapagtataka talaga.

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumawag. Si Maam Zheira.

"Hello, Maam."

("Ms. San Diego, pwede ka bang pumunta dito sandali?")tanong niya sa kabilang linya.

"O--opo, sige po."
Sagot ko at binaba ang tawag.

Tumayo na ako at pumunta sa office ni Maam Zheira. Kumatok muna ako nang dalawang beses saka binuksan ang pinto.

Isang matandang babae na sa tingin ko nasa 50+ na gulang ang naabutan kong kausap ni Maam Zheira. Sabay silang napatingin sa akin.

"Maupo ka."

Yumuko ako at umupo sa isang upuan sa harap ni Maam Zheira.

"Kumusta si Vaghn, may kalokohan ba siyang ginagawa?"

"W--wala po,"
Sagot ko at pa-simpleng sinulyapan ang babae. Napaiwas ako nang makita kong nakatingin rin siya sa akin.

"Siya si Nanay Silva, siya ang makakasama niyo sa bahay."

"Po?"gulat kong sigaw at tiningnan ulit ang babae.

Siya? Bakit parang biglaan yata. Nalaman ba niya 'yong ginawa ni Vaghn sa akin?

"Kaya kita pinatawag dahil gusto kong samahan mo siya papunta sa bahay. May mga iilang gamit din siyang dadalhin, ako ng bahalang magsabi sa teacher mo."paliwanag niya.

G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon