Chapter 19: Changes

1.1K 31 1
                                    

Someone's POV

"Say it again?"

Kinuha ko ang kunai at tinutok sa leeg niya.

"I---inatake po ang BVG, w--w--wala pong nat--"

I slashed his head. Tinapon ko ang kunai at nilingon silang lahat na nakatunganga.

"Anong tinitingin-tingin niyo? Alisin niyo na ang katawan ng inutil na 'to!"
Inis kong sigaw.

"Mga walang silbi!"

Napahawak ako sa ulo nang makaramdam ako ng sakit.

"Ayos lang po ba kayo?" Tanong niya.

Tiningnan ko lang siya at umupo sa swivel chair.

"Puntahan mo siya. Itanong mo kung ano ang nangyayari. Hindi ko gusto ang kinikilos niya."

God, fuck this headache.

"Sigurado po ba kayong mapagkakatiwalaan natin siya?"

I glared at her.

"Just do it."

Everything will be mine. Everything. Hindi ko hahayang mapunta sa wala ang paghihirap nila.

Lexi's POV

Pagtapak pa lang ng paa ko sa GU ay nagtitinginan na sa akin ang mga estudyante.

"Siya si Lexi 'diba? Bakit parang nagbago siya?" Bulong ng isang babaeng mahaba ang buhok.

"Oo nga. Bigla siyang naging tao." Segunda naman ng isa.

Napafacepalm ako. Tao naman talaga ako. Kailan pa ako naging hayop.

"Ang ganda niya."

Diri-diritso lang ako sa paglalakad. Wala pang tao sa classroom kaya pumunta ako sa rooftop.

Umupo ako sa semento at sumandal sa pader. Isang linggo na mula ng mangyari 'yong nasa warehouse. Marami nang nagbago, isa na ako roon.

Kinulayan ko ang buhok ko ng pula. Hindi ako nagsuot ng uniform, sa halip ay black jeans, white sleeves at leather jacket. Wala na namang dahilan para magpa-Maria Clara ako.

"Masaya ka ba?"

Umangat ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Raiden.

"Anong kailangan mo?"walang-gana kong tanong.

Hindi siya sumagot.
Sa halip ay tumabi siya sa akin.

"Kung nandito ka para----"
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Putol niya.

"Tinapos ko lang ang kailangan kong tapusin."sagot ko.

"Kung 'yan ang paniniwala mo, wala na akong magagawa. Pero tandaan mo Lex, may mga bagay ka pang hindi nakikita. Wag mong pairalin ang galit mo, dahil baka sa huli. Magsisisi ka."ani niya.

Napangisi ako. May nag-alala pa pala sa akin.
"Maiwan na ki---"

"Kung ikaw nasa kalagayan ko, anong gagawin mo?"tanong ko at tumingin sa kanya.

"Whoooooo!"

"Kill! Kill! Kill!"

Kapapasok ko pa lang sa Dark Society ay rinig na rinig ko na ang malakas na sigawan. Gaya ng dati, puno ng tao ang buong arena.

Umakyat ako sa itaas at umupo sa pinakadulo. Mula rito kitang-kita ko ang dalawang grupo na naglaban-laban.
Phantom at ang Viper.

Isa na lang ang natira sa Viper, si Jed, ang leader nila.

G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon