Lexi's POV
"Saan kayo galing? Bakit magkasabay kayo ni Park kanina?" Tanong ni Jill
Dinedma ko lang siya at kumuha ng libro sa may shelf. Nandito kami ngayon sa library. Dumiritso kami dito sa eskwelahan dahil 'yon ang bilin ni Maam Zheira.
Hindi ko naman inaasahang makikita kami ni Jill. Pinupuno tuloy ako ng tanong ng babaeng 'to.
"Hoy Lex, bakit nga? Wag mong sabihing---- oh my!"
Napatakip ang dalawa niyang kamay sa bibig niya habang nanlaki ang matang nakatingin sa akin. Iniisip niya bang---
"Mag-jowa kayo?"
Sigaw niya na naging dahilan kaya napatingin sa amin ang ibang estudyante."Magjowa kayo ni Vag---"
Bago pa niya ito matapos ay mabilis kong tinakpan ang bibig niya at hinila siya palabas at dinala sa likod ng skwelahan.
Pambihira, balak yata akong ipabugbog ng babaeng 'to. Nagkalat pa naman ang mga fangirls ng lalaking 'yon."Whoo! Balak mo ba akong patayin? Akala ko hindi ko na ako makakahinga."reklamo nito at hinihimas-himas ang bibig.
Kasalanan niya rin naman.Umirap lang ako at umupo sa lumang upuan na gawa sa semento.
"Oo nga pala, 'yong kanina. Magjowa ba kayo ni Vaghn?"
Kinuha ko ang earphones sa bulsa nang bigla niya itong inagaw. Ang kulit niya talaga.
"Sagutin mo muna ako. Oo o hindi? Kasi napapansin ko, palagi kayong magkasama."
"Hindi. Satisfied? Akin na 'yang earphones ko."
Binigay naman niya ito sa akin pero hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang pagtataka. Dapat, limitahan ko na ang pagsama kay Vaghn, baka mamaya ano na naman ang itatanong niya.
"Hindi ba pumasok ang kuya mo? Nakalabas na siya diba?"
Pag-iiba ko."Pumasok na siya, pinatawag lang siya ni Ms. Syer kaya hindi mo siya nakita."
Sagot niya. Tumango-tango naman ako. Kaya pala, ano naman kayang dahilan at pinatawag siya ng matandang-dalaga na 'yon."Oo nga pala Lex, malapit na ang birthday ni Vaghn. Balita ko sa susunod na linggo na 'yon. Imbitado daw lahat ng estudyante."
"Birthday?"
Nagbibirthday rin pala ang unggoy na 'yon. Sabagay, pinanganak siya eh. Malamang ipagdiriwang niya talaga ang kapanganakan niya.
"Dadalo ka ba?"
Napaisip ako sa tanong niya. Dadalo ba ako?
Malamang Lex, maid ka niya 'diba?
Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan. Kahit naman ayoko, padadaluhin talaga ako ni Maam Zheira."So I guess, dadalo ka nga."
Malungkot na tumango ako at bumuntong-hininga.
"Ikaw, dadalo ka?"
"Syempre, ang daming pagkain ng araw na 'yan kaya dadalo talaga ako. 'Aba once in a lifetime lang 'yan mangyayari nuh. Papalampasin ko pa ba?"
Napailing ako sa sagot niya. Akala ko maria clara ang babaeng 'to, may ganitong side din pala siya.
Sabay kaming napalingon sa likod nang may marinig kaming malakas na tawanan. Apat na babae na halos wala ng saplot ang lumabas mula sa isang pader na pinalibutan ng malaking puno. Skirt na halos kita na panty at black t-shirt na hanggang pusod.
"Sina Ara,"
Mahinang bulong ni Jill."Ara?"
Mahaba ang buhok nila na kulay blonde. May itim rin na hikaw sa magkabilang tainga at ilong. Sila ba ang tinatawag nilang queen bee? O adik sa kanto?
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...