Lexi's POV
Linggo ngayon at katatapos ko lang magsimba. Kasama ko si manang pero nauna na siyang umuwi dahil may aasikasuhin pa daw siya sa bahay. Malapit na kasi ang birthday ni Vaghn, sa martes na yata? Ewan, wala naman akong pakialam sa kaarawan ng hinayupak na 'yon.
"Hija,"
Isang matandang babae ang biglang bumungad sa harapan ko. Nakasuot siya ng maitim na kapa. Mabilis kong winaksi ang kamay niya nang sinubukan niya akong hawakan."Umalis ka na." Parang hinukay ang boses niya sa lamig.
Umatras ako pero lapit rin siya ng lapit sa akin."Papatayin ka niya. Umalis ka na."
May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya.
Sa takot ay kumaripas ako ng takbo. Hinihingal na sumandal ako sa pader.
What was that? Papatayin? Nino?Naigting ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Maam Zheira calling...
Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag."H--Hello, Maam Zheira?"
("Ms. San Diego, pwede ka bang pumunta dito sa bahay?"tanong niya sa kabilang linya.
"O--opo, sige po."
Binaba ko na ang tawag. Nagpakawala ako ng hangin at pumikit.
"Okay, Lex kalimutan mo na ang sinabi ng matandang 'yon. Sa ngayon, mag-focus ka muna sa trabaho mo."Dumiritso ako sa mansion nina Maam Zheira. Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ko ang malaking gate na kulay itim. Sa harapan ay may nakasulat na Park Mansion. Mayroon itong disenyo na scorpio at bungo ng tao.
Nakita ako ng guard. Bago pa ako makapagsalita ay pinagbuksan na niya ako.
"Woah!"
Isang malaking garden ang bumungad sa akin. Sa gitna nito ay may malaking fountain. It's not a saint or dragon, kundi isang lalaking may hawak na espada habang nakatingin sa langit. Sa gilid niya may lumalabas na tubig. Ang ganda. Isama mo na rin ang landscape.
Ang galing ng pagkakagawa."Ms. San Diego?"
Tawag sa akin ng isang babae na nakasuot ng itim na suit. Hindi gaya ng iba ay walang bakas ng make-up sa mukha niya."Madam Black is waiting for you. Please, follow me."
Dugtong niya. Tumango lang ako at tahimik na sumunod sa kanya."Mansion ba 'to? O palasyo?"
Malalaking chandelier, hagdan na sa tingin ko nasa 100 steps papunta sa itaas. 7th o 8th floor ang taas ng mansion, sa fairytale ko lang yata nakita ang ganitong klase ng bahay. Ang linis pa. Ang kinis ng sahig, pwede mo ngang gawing salamin.
"We're here."
Kumatok ang babae sa isang itim na pinto. Binuksan niya ito at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Maam Zheira na nakaupo sa isang swivel chair. Kasama niya sina Cian, Raiden at Jace na nakaupo sa isang sofa.
"Oh, Ms. San Diego come in."
Nagbow ako at humakbang papasok. Tumingin ako kina Cian, nakayuko sila pareho. Nanginginig ang mga paa nila at kamay.
Anong nangyayari?
"I have two question to ask you Ms. San Diego."
Napalunok ako nang biglang sumeryoso ang boses niya. Ramdam ko pang nanayo ang balahibo ko sa braso.
"Do you still want to live?"malamig niyang tanong
"P--po?"
Tumaas ang kilay niya na parang naghihintay sa sagot ko.
Palihim akong siniko ni Cian.
"A--ah--o--opo."
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampiriC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...