Lexi's POV
"Hija, saan ka pupunta?"
Hinarangan ako ni manang pero hindi ako nagpapigil. Diri-diritso lang ako sa paglalakad, bitbit ang isang maleta at isang backpack.
Aalis na ako. Hindi ko kayang mabuhay kasama ang isang bampira. Oo, mabait sila. Hindi nila ako sinaktan pero malay mo sa susunod papatayin na nila ako. Mabuti na 'yong nag-iingat.
"Hija, hindi ka na ba talaga magpapapigil? Delikado ang buhay mo kung aalis ka."
"Sorry manang, pero mas delikado ang buhay ko dito."
Pinara ko ang parating na taxi na 'agad namang huminto.
"Pasensya na po talaga, manang. Mag-iingat po kayo."
Niyakap ko siya at sumakay na ng taxi. Habang nasa biyahe, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ewan, pero nakaramdam ako ng lungkot. Dapat masaya ako, pero bakit hindi? Hayst. Baliw na talaga ako.
"Maam saan po kayo?"
Tanong ng driver."Kers Hotel po kuya."
Alas-kwartro pa lang ng madaling-araw kaya doon muna ako. Bukas na lang ako maghahanap ng mauupahan. Malapit na namang mag-sembreak kaya walang problema.
"Here's the key ma'am. Enjoy your stay."
Nginitian ko ang receptionist at sumakay na sa elevator. Nasa fourth floor kasi ang room ko. Baka himatayin ako kapag sa hagdan ako dadaan.
Pagkarating ko sa kwarto ay 'agad akong humiga sa kama.
"Ano na, Lex? Ano ng plano mo? Aishh bwisit!"
Inis na ginulo ko ang buhok ko at bumangon.Kinuha ko ang baril na binigay ni Maam Zheira. Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung tama ba ang disesyong ginawa ko. Magiging ligtas ba ako o mapapahamak.
"Use that gun as a protection. I knew it was my fault to drag you in. I'm sorry. From now on, you're free to go. Live the life you want."
'Yan ang huling sinabi ni maam Zheira sa akin. About sa long lost daughter? Siya na raw ang bahala doon. Baka mas lalo pa akong mapalagay sa panganib.
🎶Save me, save me. I need your love before I fall!🎶
Kumabog ang dibdib ko nang mag-flash sa screen ng cellphone ko ang pangalan niya. Mabilis pa sa alas-kwatrong ni-off ko ang cellphone.
Pumunta ako sa banyo at 'agad naghilamos. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Isa-isang tumulo ang luha ko.
"Baliw ka na, Lex."Pinunasan ko ang luha ko sabay ngiti nang mapakla.
"Baliw ka na."Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko habang nakatingin sa hindi kalakihang apartment. Masaya ako dahil normal na ulit ang buhay ko at malungkot dahil mag-iisa na naman ako. Parang baliw lang, eh noon naman nag-iisa naman talaga ako.
"Ano hija, kukunin mo ba?"tanong ng landlady.
"Opo, kukunin ko po. Magkano po ba?" Ako at kumuha ng pera sa wallet.
Nag-ayos 'agad ako ng gamit. Damit at school supply lang ang meron ako kaya isang oras lang tapos na akong mag-ayos. Pumunta ako sa pinakamalapit na restaurant nang biglang kumalam ang sikmura ko.
Parang gusto kong lumabas at bumalik sa bahay nang makita ko ang prices ng bawat pagkain.
Ang mahal.
Akala mo naman ginto. Pati tubig 220.00.
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampiriC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...