Chapter 18: Blood Fang

1.1K 44 3
                                    

Lexi's POV

"Ano 'yan?" Nakataas ang kilay kong tanong kay Daisy, isa naming katulong.

"Christmas tree po, yo--"

"Alam ko. Ang ibig kong sabihin bakit mo nilagay 'yan?"

"K--kasi po, ma--m--malapit na po ang pasko---"

"So? Ano ngayon kung malapit na ang pasko? Itapon mo 'yan."

Tumalikod na ako nang mapansin kong nanatili pa rin siyang nakatayo.

"Oh, anong tinatayo-tayo mo diyan?"

"Ka--kasi, young lady. Kaarawan po 'yan ng diyos, la---"

Malakas akong tumawa sa sinabi niya. "Diyos?"
Sinipa ko ang christmas tree at matiim siyang tiningnan.
"God doesn't exist."

Cause if he is, then hindi magiging ganito ang buhay ko. Demonyo lang ang nandito sa mundo. Demonyo lang.

Malakas kong sinuntok ang punching bag. Palakas nang palakas.

"They killed your mom."
"S--sino?

"R--r--red mafia."

Tagaktak na ang pawis ko sa noo pero sige lang ako sa pagsuntok.

"Stay here. Please."
Hinihingal na napatigil ako at sumalampak sa sahig.
Ginulo ko ang buhok ko at humahagulhol ng iyak.
"Why?"

"You can't leave me."

"Why it has to be you?"

"Young lady, may--"
Mabilis kong pinunasan ang luha ko. "Ayos lang po ba kayo?"may pag-alala niyang tanong.

"What do you want? Hindi ka ba marunong kumatok?" Balik kong tanong.

"S--sorry, young lady. Pero may bisita po kayo."ani niya habang nakayuko.

Tumayo ako at inayos ang sarili.
You're crazy, Lex. Shedding tears to your enemy. Stupid.

Isang lalaki ang naabutan ko na nakatayo malapit sa may bintana. Lumapit ako dito nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay.

"Anong kailangan mo?"

Humarap siya sa akin. Nanlaki ang mata ko.

"Grey?"

Lumapit siya sa akin habang may ngiti sa labi. "So you're back."
Nakatingin lang ako sa kanya. "Hindi mo pa rin ba ako naaalala?" Tanong niya, lalong kumunot ang noo ko.

"Daisuke,"

"D--Da--Daisu---" nanlaki ang mata ko. "Ikaw si Daisuke?"

Pinitik niya ako sa noo at malapad na ngumiti. "Baka." (Stupid) "Kinalimutan mo na talaga ako."

Si Daisuke, ang kababata ko noon. Magkaibigan ang papa niya at papa ko na parehong namatay years ago. Lumipat sila sa japan kaya hindi ko inaakalang siya at si Grey ay iisa.

"So, kumusta? Balita ko ang Red Mafia---"

"Okay lang ako. Buhay pa naman." Putol ko dahil ayaw kong marinig ang susunod niyang sasabihin.

"Nga pala, gusto mong sumama? Sabi kasi sa akin ni Sabina, tatlong araw ka na raw nagkukulong dito."

"Talaga? 'Buti hindi niya sinabing patay na ako." Sarcastic kong saad.

"Shi, galit ka pa rin ba sa kanya? Matagal ng nangyari 'yon." Tumawa ako ng mapakla at tumayo.

Sabina is my half-sister. Inampon siya ng daddy ko. Okay naman ang lahat pero nagbago 'yon nang may sumugod na mga assassin sa bahay. Napatay ang daddy ko dahil sa kanya. Malapit pa akong nagahasa sa gitna ng daan.

G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon