Lexi's POV
"What now?" Umupo ako sa upuan na nasa harap niya at bored siyang tiningnan.
"Spill it."
Nandito ako ngayon sa opisina ni Maam Zheira. Tinawagan niya kasi ako kanina at 'agad na pinapunta dito.May inilapag siyang mga larawan sa mesa. Tiningnan ko ito. Nagtagis ang ngipin ko sa nakita. Litrato ng dalawang tao na nakahandusay sa semento. Parehong laslas ang katawan.
"Nakita namin ang katawan nila sa harap ng isang abandonadong building. Mga kaibigan mo sila diba? Jill and Alex."
Inilapag ko ito sa mesa at blanko siyang tiningnan.
"So? Anong gusto mong gawin ko?"
"Hindi mo ba gustong malaman kung sino ang pumatay sa kanila?"
Tanong niya. Naikuyom ko ang kamao ko."Ano ba talagang kailangan mo? Masyado ka naman yatang mabait para papuntahin ako dito at sabihing patay na ang mga kaibigan ko. Naging santo ka na ba ngayon?"
Sarkastic kong tanong.Sumeryoso ang mukha niya. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako nang diritso sa mata.
"Do you want to see the real world?"Halos dalawang oras na kami dito sa labas ng GU. Ala-una na ng madaling araw kaya walang katao-tao dito bukod sa amin.
"Let's go."
Pumasok siya sa lumang library, kaya pumasok rin ako.
May hinalungkat siya sa isang shelves, maya-maya lang nakarinig ako ng click-sound.Bumukas ang sahig at bumungad sa amin ang hagdan pababa.
"Alam kong galit ka sa akin. Umaasa akong maintindihan mo ako sa oras na malaman mo na ang lahat."
Bumaba na siya ng hagdan. Alinlangang sumunod ako.Bumungad sa amin ang isang kwarto. Puno ng screen or should I say tv screen ang mga pader. Kitang-kita ang mga nangyayari sa loob ng Dark Society.
May mga nakanahay na mga computer.
Iba't-ibang klase ng armas, katana, dagger, baril, shuriken, etc."Black, nandito ka na---sino siya?" Sumulpot ang isang di-katandaang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, nasa 60+ na ang edad niya. Kasunod niya ang isang lalaki na parang kaedad lang ni Maam Zheira.
"She's my student," sagot niya sabay baling sa akin.
"He's Mike Statham, and his assistant Neon." Pakilala niya.
Nakipaghandshake sa akin 'yong Neon yata ang pangalan pero tiningnan ko lang ang kamay niya."Let's get to the point. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin sa akin?"
Lumapit siya sa may monitor at may pinindot. Isa-isang nagsilabasan ang iba't-ibang larawan.
May grupo ng mga tao na nakasuot ng pulang hood, patay na mga katawan, at ang nakakuha ng atensyon ko ay ang larawan ni Blood. May peklat siya sa kabilang pisngi at ang mata niya---pula ito pero nakakaiba."She's a ghoul. Akala namin napatay na namin sila noon pero nagkamali kami. And now she's planning to build an army---Guild of Darkness."
May ini-on siyang video. Mga tao na walang awang kinuhaan ng mga lamang-loob. Mga babae, bata, may mga naka-uniform pa sa kanila na pang-eskwelahan. A students to be exact.
"Kontrolado na niya ang lahat ng mafia maliban sa Mashiro at Black Blood. If her plan succeeds, marami pa ang mamamatay."
"So? Ito ba ang dahilan kaya mo ako pinapunta dito?"tanong ko.
Matagal bago siya sumagot.
"Dalawang linggo mula ngayon, may meeting na magaganap. Lahat ng kasali sa grupo, imbitado."
Pinatay niya ang monitor at seryosong tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...