Chapter 2: Almost

1.7K 89 51
                                    

Lexi's POV

Uwian na. Hindi kami magkaklase ni Vaghn sa History kaya hinintay ko siya sa parking lot. Madilim-dilim na sa paligid pero hindi pa rin siya dumadating.

Nakaramdam ako ng pangangawit sa paa ko kaya umupo ako sa semento. Kung may makakita sa akin, iisipin na siguro nilang baliw ako.

Buhok na kulot, palda na sobrang dumi at mukha na oily. Pasalamat na lang ako at wala na gaanong estudyante.

Lumipas pa ang isang oras, dalawa ay wala pa rin akong nakikitang Vahgn.

Tiningnan ko ang relo. Napapikit ako nang makita kong alas-singko na nang hapon.

"Nasaan na ba ang lalaking 'yon? 4:00 ang uwian nila huh."

"Miss, hindi ka pa ba uuwi? Magsasarado na ako."
tanong ni Manong guard.

Aish. Bahala na. May paa naman ang lalaking 'yon eh.

Nagpaalam ako kay manong at pumara ng taxi. Pagdating ko sa bahay ay biglang uminit ang ulo ko.

Sinong hindi kung ang taong hinintay mo ng ilang oras ay naabutan mong nanonood ng tv? Nakapatong pa ang paa niya sa sofa.

Ibinagsak ko ang bag ko. Tiningnan lang niya ako at bumalik ulit sa panonood. Hindi ba siya hihingi ng sorry?

Lumapit ako sa kanya at nakapamaywang siyang tiningnan.

"Hoy, bakit mo ako iniwan doon? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit maghintay sa wala?"

Humuhugot yata ako.

"So?"

Talaga namang.

"Hindi ka ba magsosorry? Ang sakit kaya ng paa ko."

Bigla siyang tumayo at malamig akong tiningnan. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Napalunok ako.

"Does your blood taste good?"

"Eh?"

Ngumisi siya at inilapit ang mukha niya sa leeg ko.

"I can answer that for you."

Kumabog ang dibdib ko sa kaba nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko.
Mabilis ko siyang itinulak at lumayo ng konti.

Tumawa siya at umiiling-iling na umalis. Hinawakan ko ang leeg ko.

Does your blood taste good?

"Gusto niya bang tikman ang dugo ko?"

Hindi naman siya aswang o ano. Malamang gusto niya lang akong takutin, tsk.
Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis.

Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa ref, nakalimutan kong puro karne lang pala ang laman nito. Kung beafsteak ang lulutuin ko malamang sisigawan na naman ako ng lalaking 'yon.
Kung adobo naman, kulang ang ingredients.
No choice, kailangan ko talagang mag-grocery.

Pumunta ako sa kwarto niya. Wala akong pera, ayoko namang gastusin ang unang pa-sweldo ni Maam Zheira sa akin.

"What?"
Sigaw niyang tanong mula sa loob.

"M--may sasabihin sana ako sayo."

Bumukas ang pinto.
Napaiwas ako ng tingin nang makita kong wala siyang pang-itaas. Short lang ang suot niya kaya kitang-kita ang anim niyang pandesal.
Kulang na lang mainit na kape at cheese o 'di kaya peanut butter.

Teka-- ano ba 'tong iniisip ko? Tsk. Focus Lex, abs lang 'yan. Abs, hindi 'yan totoong pandesal.

"You're drooling."

G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon