Cian's POV
"Breaking news. Isang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang abandonadong warehouse malapit sa Jmall Center. Butas ang dibdib nito at wala ng mga lamang-loob--," Naisuka ko ang kinain kong pizza nang makita ko ang mga litrato.
Bwesit!
"Ayon sa pulisya baka kagagawan ito ng bagong sindikato na tinatawag na Darkness o mas kilalang Dark Organization. Nangongolek----"pinatay ko ang tv at dali-daling tumakbo papunta sa kwarto ni Raiden.
"Ano na namang kailangan mo? Pwede ba kung---"
"Ang DO, nagbalik na sila--,"huminto muna ako saglit dahil parang naubos ang hininga ko.
"-nagbalik na ang DO, delikado tayo. Kailangan malaman nina tita 'to.""DO? Ibig mong sabihin--"
"Oo, tara na. Tawagan mo si Jace, kita tayo sa hide-out."
Sampung-minuto lang nandito na kami sa hide-out. Kanina pa kami hindi mapakali pero si Vaghn nakaupo lang sa sofa habang nakapikit. Siya ang dahilan kung bakit kami napasok sa sitwasyon na 'to pero tingnan mo naman, parang wala lang sa kanya. Sarap niyang pektusan, kung hindi lang talaga.
"Sigurado ka ba, 'ian? Baka namalikmata ka lang?" Jace. Kanina pa sumasakit ang tainga ko sa kanya. Tanong nang tanong.
"Pwede ba Jace kung ayaw mong maniwala. Umalis ka na. Tangina, ang ingay mo."bulyaw ko.
"Kung ganoon bakit tayo nandito? Diba dapat si tita ang pinuntahan---"
"What about me?" Kasama ang dalawang bodyguard, pumasok si tita Black. Tumayo kaming tatlo at sabay-sabay na nag-bow.
"Spill it."
Siniko ko si Raiden at sininyasan na siya na ang magpaliwanag.
"Ah--tita, naaalala niyo ba 'yong DO?"
"Dark Organization? What about them?"
"Nagbalik na po sila. Naisip namin baka nagbalik sila para maghigante."
"And?"
Napalunok ako. Takte nakakatakot talaga siya.
"Gu--gusto po namin humingi ng permisyon para--"
"My answer is no. Maghintay muna tayo bago kumilos."ani niya at tumayo.
"Don't call me again to deal with your nonsense concern."
Bumaling siya kay Vaghn"It's been 2 days, find her before she cause a trouble." Lumabas na siya ng bahay. Bagsak ang balikat na nagkatinginan kaming tatlo.
"Paano na 'to? Sa tingin mo babalikan talaga nila tayo?" Kinakabahang tanong ni Jace.
"Ewan." Sagot ko na lang at tumabi kay Vaghn.
"Maging alerto na lang tayo. 'Yan lang ang magagawa natin sa ngayon." Ani naman ni Raiden.
Anong meron sa DO? Sila ang pinakamahigpit naming kaaway noon sa DS. Isa rin silang gang noon pero nang mapatay ni Vaghn ang kapatid na babae ni K ang leader nila ay bigla silang naglaho. Ngayon, bumuo ulit sila ng grupo pero hindi na gaya noon. Pumapatay na sila ng tao at kinukuha ang lamang-loob nito para ibinta sa ibang bansa.
"Si Lexi nga pala. Nasaan?"
Oo nga, nasaan ba ang babaeng 'yon?
Lexi's POV
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa damuhan at nag-inat. Dalawang araw na ako dito sa sementeryo. Yes. Sementeryo. Nang gabing 'yon, hindi na ako sumama kay Vaghn pauwi. Dumiritso ako dito para makapag-isip.
At ang disisyon ko? Wala. Gusto kong maghigante pero ayokong may mapapahamak.
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...