Lexi's POV
Kanina pa ako nakaupo dito sa labas. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Dalawang beses, hindi, tatlong beses na akong muntik mamatay. At hanggang ngayon, heto buhay pa rin ako.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o malungkot.
Buhay nga ako pero para naman akong patay. Gusto kong umiyak, pero walang luha ang gustong lumabas sa mata ko. Ni-tumawa at ngumiti hindi ko magawa.Tama nga siguro si Sabina, wala akong silbi. Gulo lang ang dala ko. Wala man lang akong nagawang tama.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Napalingon ako sa likod.
"Rai,"
Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa tabi ko."Kumusta na pakiramdam mo?"
"Okay na. Hindi naman--"
"Ang ibig kong sabihin, ang tungkol kay Grey. Ok ka lang?"
Putol niya.
Saglit akong natigilan."O-oo naman. Naintindihan ko naman kung bakit niya ginawa 'yon eh. Biktima lang din naman siya ni Sabina. Isa pa, alam ko namang mangyayari 'to."
Although, muntik na akong mamatay dahil sa kanya. Hindi ko siya masisisi. Wala siyang alam. Ginamit lang siya laban sa akin.
"Oo nga pala, nasabi na ba sayo ni Eros?"
"Ang alin?"
"Nawala ang katawan ni Sabina."
Kumunot ang noo ko."Nawala? Anong ibig mong sabihin?"
"Nang pumunta kami do'n to check the corpse, wala na ang katawan niya. Ang katawan na lang ng mga lalaki ang nakita namin."
Imposible.
Sigurado akong napatay ko siya ng araw na 'yon."Alam na ba 'to ni ma'am Zheira?"
"Oo, pero wala naman siyang reaksyon tungkol dito."
Weird.
Bakit bigla akong kinabahan?
Parang may hindi tama."Mauna na ako. Matulog ka na rin." Tumango lang ako at sinundan siya ng tingin papasok.
Ano pa ang hindi ko nalalaman? Bakit pakiramdam ko, may mangyayaring masama? That day, how did they know na nandoon kami ni Vaghn?
"So it's a trap."
Its not a trap. Hindi niya alam na nandoon kami ng araw na 'yon. Parang may nagsabi sa kanya.
"Axe tattoo,"
Bakit may Axe tattoo 'yong iba pero ang kasama ni Sabina wala? If they're in the same organization, they should have the same tattoo. And Sabina, her body suddenly disappeared.
Sino ang nasa likod nito?
Who's the tail?"You're here. May kailangan ka ba?" Ma'am Zheira
Inilapag ko ang larawan ng lalaki na may Axe tattoo sa balikat.
"Sino sila? Ano ang ibig-sabihin ng tattoo na 'yan?"
"Bakit gusto mong malaman? Akala ko ba wala ka ng pakialam dito?" Balik niyang tanong.
"Konektado ba sila sa Blood Fang o hindi?"
Binitawan niya ang hawak niyang ballpen at tumingin sa akin.
"Kung sasabihin kong "oo" anong gagawin mo? Ayaw mo ngang gawin 'yong ipinagawa ko 'diba? Bakit gusto mo pang malaman?"
Panghahamon niyang saad."Sabihin mo sa akin lahat, gagawin ko ang gusto mo."
I'm tired of running away.
Siguro ito ang rason kung bakit buhay pa ako ngayon. I'll do whatever it takes to stop them."Axe, it symbolizes the Dark Organization. They're just a small gang before pero nang mapatay ni Eros si Ali nagbago ang lahat."
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...