Lexi's POV
"Kilala mo ba ang mga lalaking 'yon?" Tanong ko kay Jill.
Siya 'yong babae kanina.
Pagkatapos ng nangyari, dumiritso kami dito sa garden. Late na rin kasi ako sa klase kaya hindi na lang ako pumasok. Ang sama ko rin naman kung iiwan ko lang siyang mag-isa."Dati silang gangmates ng kuya ko."
Sagot niya.Tumango lang ako at sumandal sa puno. Hayy! Ang sarap ng hangin, nakakarelax. Inaantok tuloy ako.
"Hindi ka ba natatakot? Maari ka nilang balikan dahil sa nangyari kanina."
Napatingin ako sa kanya at saglit na natigilan.
"S---s--sorry, dah---"
"Hindi--o--okay lang. Bakit ako matatakot, eh mga duwag lang naman ang mga 'yon. Tumapang lang 'yon dahil marami sila."
Sagot ko at ngumiti ng pilit.Sa totoo lang kinabahan ako sa sinabi niya. Paano kung hintayin nila ako sa labas at patayin? Naku, ayaw ko pang mamatay. Hindi pa ako nagkakaboyfriend. Hindi pa ako nagkaka-first kiss.
Sayang naman ang ganda ko kung mamatay ako ng maaga.Pero kung magpapahalata ako sa harap niya, sisisihin lang niya ang sarili niya. Ayokong mangyari 'yon.
"Oo nga pala, sigurado ka bang hindi mo ipapatingin sa clinic 'yang sugat sa paa mo?"
Umitim na kasi ito at patuloy pa rin sa pag-agos ang dugo. Kanina ko pa siya kinumbinsi pero ayaw niya. Takot yata siya sa clinic.
"H--hindi, okay lang ako. Pero Lex, hi--h--hindi ka ba---hindi ka ba natatakot kay Vahgn?"
"Vaghn? Haha, bakit naman ako matatakot sa hinayupak na 'yon. Eh walang-modo 'yon eh. Hindi man lang ako tinulungan, bwesit. Bakla yata---"
Napahinto ako nang makita kong nakatitig siya sa akin.
"B--bakit? May dumi ba ako sa mukha?"
Hinawakan ko ang mukha ko, nagbabasakaling may dumi o ano pero wala naman.
Problema niya?
"W--w--wa--wala ka bang alam tungkol sa kanya?"
"Huh?"
May dapat ba akong malaman? Bakit ganoon na lang siya katakot sa lalaking 'yon?
"W--w---wala--hehe."
Nauutal niyang sagot.Weird.
"O--oo n--n--ng--nga pala. Una na ako, pupuntahan ko pa ang kuya ko sa hospital."
Pamamaalam niya at dali-daling tumayo.Dahil wala rin naman akong gagawin ay sumunod ako sa kanya. Gulat na napatingin siya sa akin.
"B--bakit ka--"
"Sasamahan na kita. Pwede ba?"
Nakangiti kong saad.Tumango naman siya at nauna ng maglakad.
"Matagal ka na ba dito?"
Tanong ko at tumabi sa kanya sa paglalakad."First year pa lang, dito na ako nag-aaral. Dito lang kasi ako nakakuha ng scholarship."
"Ahh."
Bigla siyang huminto kaya napatingin ako sa kanya.
"B--bakit?"
"Mag-iingat ka. Pero sa tingin ko hindi ka naman niya sasaktan."
"Huh?"
Kunot-noo kong tanong.Ang wierd niya, grabe. Wala akong naintindihan.
"Alam mo, first time kong nakitang umasta ng ganoon si Vaghn, kadalasan kasi lagi siyang tahimik at walang pakialam sa iba. BBG lang yata ang lage niyang kasama."
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...