Lexi's POV
Maaga akong gumising at naligo. Pagkatapos ay pumunta na ko sa kusina para maghanda nang almusal nang makita ko si Vaghn. Nakatayo siya at umiinom, hindi ko masabi kung ano, itim kasi ang kulay ng boti kaya hindi ko makita kung ano ang laman.
Lumingon siya bigla sa akin na naging dahilan kaya napaatras ako. 'Yo--'yong labi niya--m--may du-d--dugo.
"V--Vaghn--"
"Do you want to know the answer?"nakangisi niyang tanong.
Bago pa ako makasagot ay lumapit na siya sa akin at kinagat ako sa leeg.
"Ahhhhhh!!"
Napabalikwas ako ng bangon. Hinawakan ko ang leeg ko at hinihingal na lumingon sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nasa kwarto ako.
"Panaginip lang pala."
Tiningnan ko ang relo sa gilid ng kama. Nanlaki ang mata ko nang makita kong malapit ng mag-alas-syeti.
Dali-dali akong pumunta sa banyo at naligo. Hindi ko na in-iron ang uniform ko at basta na lang isinuot. Pagkatapos ay tinali ko ang buhok ko at bumaba na.
Kung mag-ayos pa kasi ako baka abutan ako ng dalawang oras. Ang kulot pa naman ng buhok ko, ang hirap suklayin.Pagpasok ko ng kusina ay napahinto ako nang makasalubong ko si Vaghn.
"S--sorr--"
Napatigil ako nang makita ko ang dugo sa gilid ng labi niya.
Mukhang napansin niya yata kaya pinahid niya ito gamit ng kaliwang kamay."A--an--a--"
"Tss."
He just hissed at tuluyan ng lumabas.Pumunta ako sa kusina para tingnan kung ano ang kinain niya pero wala akong nakita.
Anong kinain niya? Imposible naman kung ketchup, wala namang ketchup dito.
Binuksan ko ang ref, pero kapareho pa rin nito ang ayos kahapon.
Tiningnan ko ang mga cabinet pero wala rin."Looking for something?"
Muntik na akong mapalundag nang marinig ko ang boses niya.
"Ahh--wala--wala. Tara, late na tayo."
Ano bang nangyayari sa akin? Masyado yata akong nag-iisip ng kung anu-ano.
Panaginip lang 'yon, Lex. Panaginip lang.
"Ms. San Diego! Are you listening?"
Galit na sigaw ni Ms. Dixon."S--sorry ma'am."
Nakayuko kong saad.Sa kakaisip ko hindi ko na namalayang nasa eskwelahan na pala ako.
"As I said, having a complete family is a blessing. A father who'll protect you and a mother who'll stay by your side when your sick."
May naglapag ng chocolate sa mesa ko. Tiningnan ko ang babae. Mahaba ang buhok niya na kulay blonde. Medyo singkit ang mata niya at mataas na pilik-mata. Ngumiti lang siya at tumingin ulit sa harapan.
Kinuha ko ang chocolate. May nakaipit na maliit na papel dito kaya kinuha ko ito.
Napaismid ako ng mabasa ko ang nakasulat."Can you give it to Eros?"
Okay, masama talaga ang mag-assume.
Kinulbit ko si Vaghn at inabot sa kanya ang Ferrero Rotcher.Tiningnan lang niya ito at bumalik sa pagkaka-ub-ob.
Dahil wala ako sa mood mangulit ay ibinalik ko ito sa babae.
Tumingin siya kay Vaghn at alinlangang kinuha ang chocolate.Mukhang malaki ang gusto niya sa lalaking 'to. Ang ganda niya pero wala siyang taste pagdating sa lalaki. Dito pa talaga siya nagkagusto.
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...