Lexi's POV
Malayo pa lang ay tanaw ko na sina Vaghn na nakatayo sa may gate. Kasama niya si Maam Zheira na may katabing apat na lalaki na ka-edad niya. Medyo pamilyar sa akin 'yong isa, papa yata ni Vaghn.
Bumaba ako ng kotse at lumapit sa kanila.
"Ano 'to, welcome party?" Sarcastic kong tanong.
"Saan ka galing? Hindi mo ba alam na nag-aalala kami sayo? Paano kung napahamak ka?" Bulyaw ni Vaghn.
Napangisi ako.
"Patay na ako, ginawa mo nga akong demonyo diba? Paano pa ako mapapahamak?"Kita kong napakuyom ang kamao niya. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat.
"Itigil mo na 'yang drama mo. Nakakasuka."Pumasok na ako sa loob.
Dumiritso ako sa basement kung saan nakalagay ang punching bag.
Sinuot ko ang gloves at pinagsusuntok ito."Dapat lang. Hindi ko naman hahayaang mabuhay ang isang kagaya niya."
Sinuntok ko ito nang malakas. Tumilapon ito sa kabilang bahagi ng basement.
Inis na ginulo ko ang buhok ko at sumandal sa pader.
Ang mga taong 'yon. Kung hindi ko lang sila kailangan, matagal ko ng inubos ang dugo nila.
"Mabilis kang naka-recover kesa sa inaakala ko." Maam Zheira at umupo sa stool. Kasama niya ang apat na lalaki kanina.
"May kailangan ba kayo?"
May iniabot siyang envelope.
Tiningnan ko lang ito at aalis na sana nang marinig ko ang sinabi niya."Ayaw mo bang malaman kung ano talaga ang nangyari nang gabing 'yon?"
Napabuga ako nang hangin at lumingon sa kanya.
"Anong kailangan mo?"
Walang-gana kong tanong."Tingnan mo."
Kinuha ko ang envelope at binuksan. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang larawan ng isang pamilyar na babae. May takip siya sa mukha pero kita ang tattoo niya sa leeg, kamatayan.
"So you're Shi, you're weak than I expected."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa litrato. Ang babaeng 'to, siya 'yong---"Siya si Blood, pinuno ng Blood Fang. Kilala mo siya 'diba? Master ang tawag sa kanya sa loob ng organisasyon."
"So? Anong gusto mong gawin ko? Papatayin ko siya?"
Tumayo ang lalaking blonde ang buhok at lumapit sa akin.
May kamukha siya----si---"I'm Ace Thompson, papa ni Jace. Well, alam mo na siguro 'yon dahil pareho kaming gwapo."
Pakilala nito at ngumiti ng malapad."Tumigil ka nga Ace, mas gwapo ako sayo." Singit naman ng isa pang lalaki.
"I'm Jericho, Jericho Lavanthiez. Cian's father."
Inabot niya ang kamay niya pero tiningnan ko lang ito.Sino ba ang unggoy na 'to?
"Mga gunggong, magsi-upo nga kayo. Tsk." Suway ng papa ni Vaghn. Halata namang mag-ama sila 'diba?
"I'm Frost, Frost Zayne Park. Eros's father. And he is Kyle, Raiden's father." Sabay turo sa lalaking emo ang buhok na nakaupo sa sulok.
"We're here to ask your help." Dugtong niya.
"Help? Akala ko ba---"
"Tulungan mo kami at tutulungan ka namin. You can't live by yourself. Kailangan mo ng dugo para mabuhay. Hindi naman pwedeng papatay ka palagi." Ani ni maam Zheira.
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...