"Hey.""Hmm?"
We were just strolling along the seaside. Nandito kami ngayon sa labas ng Mall of Asia. Gabi na rin at kaunti nalang ang tao kaya naisipan naming dito nalang maglakad-lakad.
Lumingon siya sa akin. "Are you sleepy?"
"Not yet. Gusto ko muna mag stay dito, Derrick. This is a very calming place. I actually want to stay here the whole night."
"Ako rin naman. Pero may pasok pa tayo bukas. We can't stay the whole night. And besides, Kenneth will get mad at me pag hindi kita inuwi sa inyo." Pagpapaliwanag niya.
Lumingon ako sa iba't ibang direksyon. Wala ng masyadong tao. Gusto ko sanang mag stay dito. Parang dito kasi, pwede mo munang alisin sa isip mo yung mga problema mo. Just enjoy the night. Para bang nakakapagpagaan ng loob yung nandito ka malapit sa dagat. It feels so damn right.
Habang naglalakad kami ng sabay, inakbayan niya ako. "Ayoko ng umuwi." Bulong niya sa akin. "Dito na lang tayo."
Natawa naman ako. Kanina lang sinasabihan niya ako na kailangan niya kong iuwi dahil lagot siya kay Kenneth. Tapos ngayon sasabihin niyang dito na lang kami. Bilis magbago ng isip nito.
Bumitaw siya sa akin at inayos ang hoodie niya. "Nilalamig ka?" Tanong ko sa kanya.
He smiled as he nodded.
Maya-maya lang ay biglang bumuhos ang ulan. Kumukulog na rin. Nagulat ako ng agad niyang tanggalin ang hoodie niya. Pinasuot niya sa akin at inilagay ang hood sa ulo ko. "Sabi mo nilalamig ka?" Tanong ko.
"Okay lang. Kesa naman magkasakit ka. Lagot talaga ako kay Ken-Ken." Sabi niya habang nakangiti.
"Can we stop talking about Kenneth for a while?" I pouted. "Para namang sinasabi mo na hindi mo gagawin ito sa akin bilang kaibigan kung hindi dahil kay Kenneth."
He just shrugged as an answer. "Tara. Iuuwi na kita." He's holding my hand as we ran towards the open space parking lot.
Pagkapasok namin ng kotse ay basang basa siya. Unlike sa akin na hindi man lang nabasa ang blouse na suot ko dahil sa hoodie niya. Kumuha siya ng towel sa bag niya bago nagpunas ng sarili. Minsan di ko maintindihan si Derrick. Sabi nila ay asshole ang ugali niya. Pero hindi naman ganun ang ipinapakita niya sa akin. He's a real gentleman.
As we arrived at the house, my Dad's outside. Waiting for me with his umbrella.
Bumaba ako at agad siyang lumapit para payungan ako. "Take care, Derrick. Gabi na at baka mapaano ka pa sa kalsada. I'll call your dad. Mukhang naligo ka pa sa ulan. Sabihin ko, hintayin ka na sa labas niyo. Sige na."
"Sige po, Tito." Tumango siya kay Daddy bago siya umalis.
Pumasok na kami ni Daddy sa loob ng bahay. I decided to take a bath. Para na rin presko ako bago matulog. Naulanan pa naman kami kanina. Inaayos ko yung susuotin ko ng mapansin na nasa akin parin pala yung hoodie ni Derrick. I forgot to give it back!
Naging masarap ang pagtulog ko sa gabing iyon dahil na rin sa lamig ng hangin na dulot ng ulan.
Kinabukasan ay naging normal lang ang araw. Nothing special happened. Pero napansin ko rin na absent na naman si Derrick sa classes niya.
"Diba magkasama kayo kahapon?" Tanong sa akin ni Jen.
Tumango ako. Guilt crept on me as a thought crossed my mind.
"Bakit nga pala hindi si Kenneth ang kasama mo? Kagabi rin dapat siya kakanta ah."
"He's busy. May kailangan raw siyang tapusin eh. Hindi nga rin siya nakapunta sa café."
YOU ARE READING
Afraid To Fall
Teen Fiction"Maybe just like a shooting star, everything that I am is not what I seem to be. Maybe just like them, I am not really a shiny thing after all. I'm just this normal meteoroid who falls for everyone's kindness. As a meteoroid fell into the Earth's at...