Chapter 14

84 5 0
                                    




Stacey's POV

"I gotta go!"

Hinalikan ako ni Jen sa pisngi, bago siya kumaripas ng takbo palabas ng room. Isa lang naman ang dahilan kung bakit lagi niya akong tinatakasan kapag dismissal. Dahil naghihintay na raw yung manliligaw ko.

Napalingon ako kay Kenneth na naghihintay sa labas ng room. Sinenyasan ko siya dahil nag aayos pa ako ng gamit.

Lumapit sa akin ang isa kong classmate habang may hawak na envelope. "Excuse me, Stacey. Pinapabigay sayo ni Kuya Trent."

"Trent?" Hindi ko nga kilala yun eh.

Tumango siya. "Kuya ko. Kilala ka niya dahil engineer si Daddy sa kompanya niyo."

"Anong laman nito?" Nagtatakang tanong ko.

"Invitation para sa birthday niya next week."

I slowly nodded. Nagpaalam na ako sa kanya bago umalis ng room. Kinuha ko yung envelope pero hindi ko alam kung makakapunta ba ako. Ni hindi ko nga kilala yun eh.

Habang sabay kaming naglalakad ni Kenneth, hinablot niya sa akin yung envelope. "Ano to? Bakit ka binigyan nung classmate mo?"

"Birthday invitation daw ng kuya niya. Ewan ko kung bakit niya ko binigyan. Hindi ko nga sila kilala eh."

"Pupunta ka?" Napatigil siya sa paglalakad.

Inirapan ko siya. "Sinabi ko bang pupunta ako?"

Bigla siyang ngumiti ng malapad. "Believe me, gumagawa lang ng moves yung kuya niya. Lalaki rin ako. Alam ko kung ano yung takbo ng isip nung mokong na yun."

I shrugged. Heto na naman siya. He's so possesive. Minsan kung umasta siya parang boyfriend ko na. Pero infairness, kinikilig ako. Lol.

We drove to Bonifacio Park. It feels surreal. Dati naman ay marami nang gustong manligaw sa akin pero hindi ako pumapayag. Pero bakit pagdating kay Kenneth, ang bilis kong um-oo? My feelings says it all. Syempre dahil gusto ko rin siya.

Pagkarating namin ay dumerecho kami sa The Meteoroid. Napangiti ako. Naaalala ko na naman yung kwento sa akin ni Daddy. He proposed here. I hope someday I could get a man like him. I wonder, si Kenneth na kaya yun?

"Bakit ka nakangiti?" Tanong niya.

Hinampas ko siya. "Bakit? Wala ba kong karapatan ngumiti?" Bwisit tong lalaking to ah. "I-busted kaya kita?!"

Nagulat siya sa sinabi ko. "Joke lang eh. Sorry na."

"Wala. Busted ka na." Pagtataray ko sa kanya. Tumalikod ako at naglakad papalapit sa wishing well.

I'm shocked when he hugged me from the back. "I'm sorry. Alam mo namang, 'Everytime I see your smile, I fall deeper inlove with you' diba?"

Halos mapatili ako sa sinabi niya. Nakakainis si Kenneth! Paano niya nagagawang mapatibok yung puso ko ng ganitong kabilis?!

"I can hear your heartbeat from here. I can hear it screaming my name." My eyes widened when he kissed my cheeks.

"Yuck!" Napalingon kami sa batang lalaki na nakatingin sa amin. "Mommy look at them! They are so kadiri. The guy kissed her."

Tinawanan siya ng mommy niya. "Grey, you'll be like them when you grow up. Come on." Paalis na sila pero naririnig pa rin namin yung pagrereklamo nung bata.

"I don't wanna kiss anyone when I grow up, Mom. It's gross!" We laughed at his remark. For sure naman ay magiging heartthrob din siya paglaki. Sa gwapo ba naman niyang bata.

Afraid To FallWhere stories live. Discover now