Epilogue

79 3 2
                                    




  "Anak, mabuti pa umuwi muna kayo ng daddy mo."

  I looked up and saw Tito Andrei in front of me. "Kailangan mo magpahinga. My son wouldn't be happy seeing you like this. Hindi ka pa rin kumakain simula kahapon. You need to eat, mag dinner ka na, and please take a rest. You need to be strong, Stacey, okay?"

  I nodded at him. Tumingin ako sa nakahiga sa harapan ko. He looks really angelic. Lalo na pag tulog. Hawak ko ang kamay niya at hinalikan ito.

  "I will be back, baby."

  Tumayo na ako at iniwan si Tito Andrei sa loob. I saw my dad waiting outside. Nakaupo sa bench na nasa harap ng room ni Derrick. He stood up when he saw me.

  "Let's go?" He asked. I hugged him before I agreed.

  Niyaya ako ni dad na kumain sa isang fastfood sa harap ng ospital. It feels good to bond with him and talk to him about what's going on with my life.

  He talked about the status of our company. Naging maayos daw yon dahil na rin sa tulong ng Head Director namin, si Tito Andrei. He also told me about his plan na gawing partnership ang kompanya. Makakasama na namin mamahala ang mga Arguelles dito.

  Hindi ko maitanggi ang tuwa. Ang laking advantage sa company, sa relationship ng pamilya namin at syempre ang sa amin ni Derrick.

  Pagtapos niyang magsalita ay nagsimula naman akong magkwento tungkol sa amin ni Derrick. From his smallest effort hanggang sa mga panahon na kami na, he never failed to make me smile, to make my heart happy. Dad laughed, smiled, and cried with me. Lalo na nang masabi ko sa kanya lahat ng sakripisyo ni Derrick kahit noong kami pa ni Kenneth.

  "I know he's the one." Banggit niya sa akin. Hindi ko naman mapigilang maluha sa sinabi niya. "Ito lang naman ang hinihiling ko, Stacey. For you to be genuinely happy with someone. I always knew it was Derrick." Tawa niya.

  Napailing na lang ako at natawa na rin kay daddy. "Tito Andrei called me 'anak' earlier."

  "See?" He laughed. "Kahit siya ay sigurado na rin sa inyo."

  I can't stop myself from smiling. Nakakatuwa naman na sa mga daddy pa namin nanggaling yon. Nakakakilig lang.

  We stayed there for a moment kahit na tapos na kaming kumain. Maya-maya lang ay biglang nag ring ang phone ko.

  "Hello? Tito?" Kumunot ang noo ko nang walang sumasagot sa kabilang linya.

  I heard a deep breath before someone spoke. "Baby."

  Nanlaki ang mata ko at natuwa sa narinig. Agad akong nabuhayan ng loob. "Dad! It's Derrick!"

  Malaki ang ngiti ni daddy sa narinig mula sa akin. "Wait for me." Sabi ko sa kanya bago siya binabaan ng tawag.

  "Come on." Akbay ako ni daddy habang naglalakad kami pabalik sa ospital kung nasaan si Derrick. I'm glad he's awake!

  Pagdating namin ay kumatok si daddy sa kwarto bago kami pumasok. Nakita namin silang nag-uusap ni Tito Andrei. Nang mapansin nila kami ay agad akong pinalapit ni tito sa kama para masamahan si Derrick.

  "I'm sorry, Stacey. Pinag-alala kita." Umiling ako sa kanya at hinawakan niya naman ako sa kamay.

  "You need to rest, okay? Ang mahalaga ngayon, okay ka na, right?"

  He nodded. Inilapit niya ang kamay niya para hawakan ang pisngi ko. Damn. He always have the perfect timing!

  "Ang sabi ng doktor niya ay wala namang major injuries, mahihirapan lang siyang maglakad sa ngayon dahil sa binti siya medyo napuruhan. But anyway there's nothing to worry about. Madali lang naman daw maghilom ang mga sugat niya. At kung kinakailangan ay mag wheel chair muna siya habang hindi pa tuluyang gumagaling." Naririnig ko si tito na kausap ngayon si daddy sa likod ko.

Afraid To FallWhere stories live. Discover now