Yung totoo? Para kaming hindi mga Senior High students. Pero kung sila lang din naman ang makakasama ko the whole time? I would rather stay with them than to gain fake friends."You asshole! Come here!"
Mas lalong bumilis ang takbo ni Derrick. Hindi na rin siya makalingon dahil maaabutan na siya ni Jen. Kanina pa silang dalawa naghahabulan. Si Derrick nga naman kasi, kinain yung favorite hawaiian pizza ni Jen. Binalaan na kami ni Kenneth na kapag may natirang isa, wag nang kuhanin. Pag ganun kasi, kay Jen na daw agad yun. Kakaibang babae talaga.
"Go bro!" Cheer ni Kenneth sa kanya with matching clap pa.
Lumingon ako sa kanya. "Di ba sila napapagod?"
"Masanay ka na, Stacey. Tuwing nagbo-bonding kaming tatlo, lagi silang nagbabarahan, naghahabulan, nagaasaran. Parang aso't pusa eh."
Natawa naman ako. So ganun pala talaga sila kagulo. "Tapos ikaw, naiiwan mag-isa? Aww." Pang aasar ko.
He looked at me. "Fortunately, simula ngayon kasama ka na sa tropa namin. So may kasama na ko palagi." I rolled my eyes.
Aba ayos?!
"Anyway, do you know how to ride a bike?"
Napalunok ako sa tanong niya. Ilang beses na kong tinuruan ng mga kaibigan ko nyan sa London pero never akong natuto. I hate bicycles. Di ko kasi kayang i-balance. Mas lalo na kung masyadong mataas yung upuan.
"Looks like you didn't know how. Tara! Tuturuan kita." Tumayo siya at naglahad ng kamay para tulungan akong tumayo. Inabot ko ang kamay ko.
Naglakad kami papalapit sa mga bike na nakapark na pwedeng hiramin sa caretaker nito. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Well, hindi talaga ako sanay na harapin yung mga bagay na kinatatakutan ko. Tulad nalang ng puting bike na nasa harapan ko ngayon.
Umupo si Kenneth dito. "Dito ka sa likod. May nakalagay dyan na pwedeng apakan, tapos hawak ka sa balikat ko. Ililibot muna kita dito. After that, I'll teach you."
Ginawa ko naman ang sinabi niya. Tama lang ang pagpa-paandar niya dito. Hindi gaanong mabilis, hindi rin gaanong mabagal.
Malakas ang simoy ng hangin. Dinama ko ang sariwang hangin habang nililibot namin ang park. Sa gitna ng park ay makikita ang malaking pabilog na fountain. May mga naka palibot na wood benches rin dito.
"Ang ganda pala dito no? A nice place for a perfect date."
He chuckled. "Yeah. Kaya nga mahilig rin kaming tatlo na pumunta dito. Ito rin yung favorite place namin ni Jen nung mga bata pa rin kami."
"Wow. This place must be special for the both of you, then."
"Uh-huh. Bakit mo naman nasabing pwede 'tong pang perfect date?"
Tinuro ko sa kanya ang medyo malawak rin na grassfield. "Masarap mag stargazing sa ganyang lugar. Tapos yung tipong kaming dalawa lang."
"I agree." He nod. "Pwede ring mag prepare ng candlelight dinner."
"Yeah."
Maya-maya lang ay tumigil kami sa isang malaking wishing well. Bumaba ako at bumaba rin siya sa bike.
"Hindi ako paniwalain sa ganito, pero wala namang masama kung i-try ko diba?" Nae-excite kong tanong sa kanya.
Ngumiti siya pero agad na umiling. "My parents told me, maganda lang daw humiling sa The Meteoroid—"
"The Meteoroid?"
"Oo, yun ang pangalan ng well na 'to. Pwede lang daw humiling dito kung ang kasama mo ay sigurado na papakasalan mo in the future at kung ang hihilingin mo ay sana kayo na hanggang dulo. Hindi to isang ordinaryong wishing well. Hindi ka pwedeng humiling dito ng kung ano-ano. Tingnan mo sila."
YOU ARE READING
Afraid To Fall
Novela Juvenil"Maybe just like a shooting star, everything that I am is not what I seem to be. Maybe just like them, I am not really a shiny thing after all. I'm just this normal meteoroid who falls for everyone's kindness. As a meteoroid fell into the Earth's at...