Chapter 33

83 4 1
                                    




"Are you sure you're going there?" Dad asked when he saw me wearing a formal white dress matched with my gold accessories. Tumango naman ako.

"Hindi lang naman po ako. You need to go too. They invited the both of us. Tayong dalawa. Hindi pwedeng ako lang ang pumunta, Dad." Pang-aasar ko. Napangiti siya sa kakulitan ko. Wala siyang nagawa kung hindi dumerecho sa kwarto niya at magbihis.

Tonight, we are invited to have dinner with the Gregorios. After a week, nakapagpiyansa na si Kingsley. Nakauwi na siya kahapon at niyaya nila kami ngayon para sa simpleng salo-salo. Siguro para magpasalamat sa ginawang pagtulong? I do not know. I litearally have no idea.

Magulo ang isip ko habang nasa biyahe. Quite shocked about what is about to happen. After the long silent years, ngayon na lang ulit kami magkikita-kita para sa isang dinner. Isang bagay na dati naming ginagawa bilang magkasundong pamilya na biglang nagbago matapos ang gabing iyon. Matapos mawala ni Mommy.

"You look bothered." Napalingon ako bigla kay Daddy nang magsalita siya. "Kinakabahan ka?"

Kinakabahan? Uhm, siguro. Medyo.

Sino ba namang hindi kakabahan diba? The Gregorios was once our colleague and our enemy. Pero ngayon? Hindi ko na alam ang estado namin.

Tumango ako sa kanya. "My ex is there, the person who threatened my life is there, the person you hate— Tito Carlos is there. Technichally, there is no reason to be calm, Dad."

He looked at me with a worried face.

"Stacey, do you still remember what I've told you? Wag mong paiiralin yung galit sa puso mo. Forgive them. It was a mistake."

It was a mistake?

"Then para saan pa yung paglayo ko, Dad? Para saan pa yung paglayo ko dahil alam kong hindi na kami pwede ni Kenneth dahil Gregorio siya? Dahil ang sabi mo, sapat na dahilan na ang pagkamatay ni Mommy para hindi matuldukan ang gulo sa pamilya natin!"

Huminga siya ng malalim at natahimik sandali. "And now you're telling me na dapat matuto akong magpatawad? When it was your fault kung bakit pinilit kong layuan si Kenneth dahil sa nagawa ng pamilya niya? Dad! That's stupid! Edi sana hanggang ngayon, kami pa." Halos pabulong ko sinabi ang mga huling pangungusap.

Paglingon ko ay naabutan ko siyang nagpupunas ng luha. Okay, I know that was harsh. If I can't bear our problem with the Gregorios, mas lalong hindi ko kaya na makita siyang umiiyak.

"Sige, sabihin na nating ako ang may kasalanan ng lahat. Blame me all you want. Blame me for the chances you didn't take. But I know deep inside you, what I did was right. Na okay lang na nawala kayo ni Kenneth, dahil alam kong may nararamdaman ka na kay Derrick. I can see it in your eyes all the time. Sa tuwing magkasama kayo."

Halos manghina ako sa narinig. Dahil ngayon... alam kong tama ang sinasabi niya.

"Hindi mo man sabihin, ayaw mo mang aminin, alam ko yung nararamdaman mo. Even if you want to stop yourself, you really can't control what you feel. Face it. You are falling for him."

Kung kanina ay gustong-gusto ko siyang sisihin sa lahat, ngayon ay hindi ko na magawa. Alam ko sa sarili ko na lahat ng sinabi niya ay totoo at 'yon ang tunay kong nararamdaman.

•••

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng mansion ng mga Gregorio. Simula nang sabihin ni Daddy sa akin iyon ay hindi na ako muling kumibo. Natatakot na baka mas lalo lang akong sumang-ayon sa sinabi niya.

Pagtapos ng sagutan namin sa kotse, still, we need to look formal. Humawak ako sa kanyang braso habang papasok sa mansion.

Naging isa kami sa may hawak ng pinakamalawak na engineering services sa bansa ng dahil sa kanila. Nahasa ang kakayahan namin ni Daddy because of their company. Minsan ay gusto ko ring sisihin ang sarili namin. If only we didn't leave them behind, siguro ay hindi mangyayari ito. Na para kaming estranghero sa bahay nila na dati naman naming pinupuntahan.

Afraid To FallWhere stories live. Discover now