Chapter 40

52 3 2
                                    

[epilogue tomorrow ‼️]

Stacey's POV

  Maaga akong nagising kinabukasan. Naisip ko na agad na kausapin si Derrick tungkol sa nangyari kagabi. I know it's just a misunderstanding.

  Sandali lang akong naghanda at nag ayos ng sarili. Palabas na ako nang makita ako ni daddy kaya lumapit agad siya sa akin.

  "I love you anak. Go and talk to Derrick. I'm sure he's waiting for you."

  Ngumiti ako at yumakap sa kanya. "Thank you, dad! I love you, okay? You're the best dad ever!" Isang halik sa noo ang ginawad niya sa akin.

  Nagpaalam na ako sa kanya at dumerecho sa kotse ko. Kung dati ay si Derrick ang laging sumusuyo sa akin, I think now is my turn. Handa akong magpakababa para lang bumalik na siya, para lang magkaayos na kami.

  Iyon ang laman ng isip ko habang nasa byahe. Nang makarating sa tapat ng bahay nila ay bumaba agad ako at kumatok. I got disappointed when Tito Andrei showed up in front of me.

  "Oh Stacey, ikaw pala. I'm sorry Derrick's not here. Umalis siya kanina at hindi nagsabi kung saan pupunta."

  Sumakit bigla ang dibdib ko. Am I too late? Napagod na ba si Derrick?

  Ang kaninang nakangiti kong mga labi ay unti-unting nawala. "Uhm tito, can you please tell him na lang pag uwi niya na pumunta ako dito?" Malungkot kong sabi.

  "I will." Tumango siya sa akin. "Pasensya ka na sa kanya ha. I know nagkaroon kayo ng problema. But I want you to know, Stacey, no matter what happen, Derrick loves you. Hindi magbabago yon. Kaya please don't give up on him."

  Hindi ko napigilan ang sarili ko at napayakap ako kay tito. It feels good to know na meron akong mga kakampi sa ganitong mga pagkakataon.

  Umalis na rin agad ako sa kanila. I don't actually know where to go next. Nadaanan ko na ang GU, Bonifacio Park, pati yung café na lagi naming pinupuntahan. Tuloy-tuloy lang ako sa pagd-drive hanggang sa makakita ako ng simbahan malapit sa may highway.

  Ipinarada ko ang sasakyan sa tabi. Mukhang walang misa pero ayos lang, I will have time for myself and for Him.

  Pumasok ako doon at sakto dahil kakaunti lang ang tao na nagdadasal. Umupo ako sa may bandang gitna. Some things crossed my mind. Dahil doon ay napa-reflect ako sa sarili ko.

  Hindi ko Siya nilagay sa gitna namin ni Derrick. We worked out but never truly satisfied kasi laging may kulang. And now I know why. Or should I say, who. God should be the center of everything. Siguro ngayon ay dapat humingi ako ng tulong sa kanya para Siya rin ang maging paraan para maging maayos kaming dalawa ni Derrick.

  Without thinking twice, lumuhod ako at nagsimulang magdasal. Sinumbong ko lahat ng sama ng loob, nanghingi ng tawad sa mga pagkakamali ko, at sa huli ay muling nanghingi ng lakas para sa sarili ko at sa mga taong nasa paligid ko.

  Tumutulo ang luha ko nang matapos lumapit sa Kanya. Sandali pa akong umupo doon para pakalmahin ang sarili ko bago umalis. When I stood up and about to walk out from there, nakita ko si Derrick na papalapit sa akin. He's with a girl. Mukhang mas matanda nang kaunti sa kanya.

  Agad kong pinunasan ang luha ko bago pa sila makarating sa harap ko. "Uh Stacey."

  Nahihiya akong ngumiti kay Derrick at napatingin agad sa babaeng kasama niya. "Uhm hi?" Bati ko.

  "Ate Rica, this is Stacey, she's my girl."

  Agad naglahad ng kamay sa akin yung Rica. "Hi Stacey! I finally got the chance to meet you! Lagi ka kasing binabanggit sa akin nitong pinsan ko."

Afraid To FallWhere stories live. Discover now