Chapter 16

65 4 2
                                    




  Nakahiga lang ako habang nakatulala sa ceiling. Si Daddy kasi pinagod ako kanina nung nagpasama siya mag jogging sa buong village. Tinawagan rin namin si Kenneth dahil gusto niya raw kausapin.

-flashback-

  "Tawagan mo siya. I wanna talk to him." Agad naman akong napa-dial sa number ni Kenneth.

  Naka-loudspeaker yung phone ko nang bigla siyang sumagot. "Yes, Stacey?"

  Tumikhim si Daddy. "Hello, Kenneth."

  "Uh, Sir! Kayo po pala." Natawa ako nang mahina dahil pakiramdam ko ay natakot siya nang malaman na si Daddy yung kausap niya.

  "I just called to invite you on a dinner later. I want to know you more, hijo. If you would only agree to come over at our house."

  Sandali siyang napatigil bago sumagot. "I'll be there, Sir."

-end of flashback-

  Inasar ko nga siya kanina nung tumawag siya sa akin dahil natatakot daw siyang harapin si Daddy. But I told him I'll be with him when Dad starts to fire a lot of questions. Then he said, he's more than willing to meet him. Unbelievable.

  Dalawang oras na lang at mag a-alas siyete na. Kinakabahan rin ako sa magiging resulta ng pagkikita nila ni Daddy. I don't know what to do so I spend the remaining time fixing myself. Saktong 7 o'clock nang matapos ako.

  I wore a beige off-shoulder dress that really compliments the color of my skin tone, and a black gladiator to emphasize my long legs. I also curled my hair at the ends to make it more look fancy.

  "He's here!" Napalingon ako sa pinto kung saan kumakatok si Daddy.

  Pagkababa namin sa dining area ay agad napukaw ng atensyon ko si Kenneth. Wearing a maroon long sleeves polo, he looks damn gorgeous. Malapad ang ngiti niya ng makarating na kami sa may lamesa. "Take a sit." My Dad's voice echoed along the room.

  Bago pa man umupo ay lumapit muna sa akin si Kenneth para alalayan ako sa pag-upo. If I only knew, nagpapakabait yan because my Dad's here. Magkatabi lang kami kaya mas lalo akong na-conscious.

  "So you are Kenneth?" Panimula ni Daddy. Tumango naman ang katabi ko. "You're older than her?"

"Two years older, Sir." Napangiti si Daddy sa kanya.

  "You can call me Tito Jonathan from now on, I want you to be comfortable with us."

  He thanked my Dad for inviting him to come over and for welcoming him here.

  Habang nag-uusap sila ni Dad ay hindi ko mapigilan na hindi tumingin sa kanya. The way his eyes stare at something, the way his brows furrowed, the way he's fond of fixing his hair and the way he licks his lips. Shit. A man indeed.

  "Acey, baka naman mabali ang leeg mo kakatingin sa kanya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Daddy.

  Nakakahiya yun! Bakit niya sinabi? Oh my gosh, I can almost feel my cheeks blushing!

  Tumawa ng mahina si Kenneth. Damn. Even the way he laughs at me, he looks so freaking perfect. "Baka matunaw ako nyan." Sabi niya.

  Napatakip na lang ako ng mukha. Bakit ba ang hilig nila akong pagtripan? Mukha ngang nagkakasundo sila ni Daddy na ganituhin ako ah. "Mamaya ka na tumitig sa akin. Hindi ako makakain ng maayos eh."

  "B-bakit naman?" Pinagmamasdan kami ni Daddy habang nag-uusap.

  He grinned at me. "Kinikilig ako eh."

Afraid To FallWhere stories live. Discover now