Two months have passed and the routine remained the same. Nung nakaraang buwan, kadalasan ay nasa café kami kapag walang ginagawa, pero sa tuwing weekends ay kung saan-saan kami nakakarating. This month naman ay hindi pa kami masyadong nakakapag catch up. Kahit magkakaklase kasi kami, para talagang dumidistansya sila Jen.Malamig ang simoy ng hangin dito sa may veranda ng isang coffee shop na may overlooking view ng Pasay. November na kaya ramdam na rin ang pasko dahil sa mga christmas light na nakapaligid sa labas.
"Hey." Napalingon ako kay Kenneth. Inabot niya sa akin ang isang Hot Espresso. "Ang lalim naman ng iniisip mo. Mind telling me?"
Humilig rin siya sa harapan habang nakatingin sa akin. Agad naman akong napangiti. Gosh! Kailan ba ako masasanay na lagi niyang tinititigan ng ganyan?
He smiled at me. "Tell me what's bothering you."
"Yung invitation kasi." I mumbled.
"Invitation from whom?"
"From the Gregorios."
Dahan-dahan siyang tumango. "Invitation para saan?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Hindi ba kasama kayo sa mga business party? Hindi niyo pa ba natatanggap yung invitation?"
He stayed silent for a while. "I didn't know about that. Siguro ay kay Daddy ibinigay."
I nodded. Muli akong napalingon sa overlooking view mula sa 6th floor ng isang condominium. Madilim na at marami nang ilaw sa baba. Nagdadagdag rin ng liwanag sa paligid ang mga maningning na bituin.
"You know what?" Bumaling ako ng magsalita siya. "Wag mo munang problemahin. Sa January pa naman ang party diba? Sigurado akong may plano naman si Tito Jonathan."
Sabagay, si Daddy rin naman ang nagha-handle. Malamang ay pinag-uusapan na nila iyon ni Tito Andrei.
Nang muling umihip ang malakas na hangin ay lumapit siya agad para yumakap sa akin. "Happy monthsary, babe." Napapikit ako ng bumulong siya. Bumati rin ako bago siya halikan sa pisngi.
"Ilang months na tayo magkakilala?" Tanong niya.
"I think, more than three months?"
He smiled. "Then why does it feel like I've known you for quite a long time? I have the whole damn time, anyway. And I'll use it not just to know you more, but to love you as long as I am breathing."
I laughed at his remarks. Pinalo ko siya ng mahina sa braso. "Nakakainis ka."
"Bakit?"
"Kinikilig ako." Then I burst into laughter. Hindi ba nakakahiya na umamin sa boyfriend mo na kinikilig ka?
Ilang minuto pa kami nanatili doon bago mapagpasyahan na umuwi. "Let's go home. Mas okay nang umuwi tayo ng maaga kesa late. Minsan pa naman ay may pagka-OA si Daddy. I just don't want to break his trust on you."
He stared at me for a minute. "I understand. This is why I really admire you, Stacey. I really love the way you fix things, the way you make your decisions, the way you make anything possible. I really love the way your mind works. Mas lalo akong nahuhulog sayo tuwing nakikita ko yung paninindigan mo sa isang bagay. Kung paano mo ipaglaban ang isang bagay na alam mong tama. And I love you for that."
"Kenneth, thank you. Salamat kasi kahit maikling panahon palang ang pinagsamahan natin, you're always there to catch me up. Ayaw mong naguguluhan ako sa problema ko, ayaw mong nasasaktan ako sa isang bagay. Minahal kita kasi alam kong totoo yung pagmamahal mo. Minahal kita dahil doon. Minsan natatakot ako na baka sumobra na yung nararamdaman ko para sayo. As much as possible, I want to control my feelings. Ayokong masyadong maging dependent sayo. I also have my own life. But still, you chose to be with me, to stay with me." I smiled.
YOU ARE READING
Afraid To Fall
Jugendliteratur"Maybe just like a shooting star, everything that I am is not what I seem to be. Maybe just like them, I am not really a shiny thing after all. I'm just this normal meteoroid who falls for everyone's kindness. As a meteoroid fell into the Earth's at...