Nanatili akong tahimik sa byahe. Matapos ang naging sagutan namin sa parking lot, I didn't talked to him anymore. Nakakainis. He's ruining the moment.Does he think kissing me is the best way to shut me up? Kung hindi lang kami nag aaway malamang ay kinilig pa ako. But no. He's pushing me to my limits. Hindi ko maintindihan. I guess I'll never understand the reason kung bakit siya nagkaganoon kanina.
Tahimik rin siya tabi ko habang nagd-drive. He didn't bother to try and talk to me. Siguro ay naisip niyang wala rin namang patutunguhan kung pag uusapan na naman namin ulit ang tungkol kanina.
Nakatitig ako nang derecho sa harapan, in my peripheral vision, I can see him looking at me.
"Eyes on the road." Reklamo ko. Bumuntong hininga siya at sinunod na lang ako.
I don't want us to be like this. Ayoko nang ganito. Na kakasimula pa lang namin pero meron na agad hindi pagkakaintindihan. I badly want to talk to him. I badly want to hug him and say sorry for being too harsh. I badly want to make up but my pride doesn't allow me to. Dahil sa tuwing inaalala ko ang pinagtaluhan namin, ang babaw ng dahilan.
Maya-maya lang ay narinig ko na namang nag ring ang cellphone ko. I looked at it only to see Kenneth's name on the screen. Napatingin si Derrick doon. Huminga ako nang malalim at hindi nalang pinansin yon.
Sa haba ng byahe ay hindi ko na napigilan ang antok ko. I fell asleep and the next thing I know, nasa tapat na kami ng bahay. He's staring at me like it's his favorite hobby. When he saw me wake up, agad siyang nag alis ng tingin. Ang bigat sa dibdib ng ganito. My heart can't handle it.
Bumaba siya ng kotse para siguro pagbuksan ako pero bago pa siya makarating doon ay lumabas na ako. Dala ang mga gamit ay dere-derecho ako gate namin.
"Stacey, baby." Hinawakan niya ang braso ko kaya ako napabaling sa kanya. "Hear me out. I'm sorry-"
I cut him off. "Derrick. Please?" I looked at his hand gripping on my arm kaya binitiwan niya ito. Napayuko siya.
God! Hindi ko kaya.
"Give me some time to think." Iyon ang huli kong sinabi sa kanya bago tuluyang pumasok ng bahay. Nakasalubong ko si daddy sa may sala at nagtataka siya sa inasal ko. He called me pero hindi ko na siya pinansin.
As soon as I reached my room, ibinaba ko ang mga gamit ko at agad nag lock ng pinto. I ended up lying on my bed. Nakatulala sa kawalan at iniisip ang mga nangyari kanina.
I tried crying myself to sleep pero kahit anong iyak ko ay hindi naging effective. Maya-maya lang ay may narinig akong kumatok.
"Stacey, anak."
I want to pretend that I'm sleeping pero alam kong hindi gagana yon kay daddy. He knows me so well. And besides, meron siyang spare key ng kwarto kaya kahit anong gawin ko ay makikita niya rin akong ganito.
Tumayo ako para pagbuksan siya, pagtapos ay muling umupo sa kama. Sumunod siya sa akin at umupo rin sa may paanan ko.
"I know I'm not in the place to ask you this pero anong nangyari sa inyong dalawa?" Panimula ni daddy.
"Dad, hindi ko alam. I don't know what's wrong with him. Maliit na bagay ginagawa niyang big deal."
He looked at me while explaining, parang may gustong sabihin. "Nung una nakita niya akong kausap si Kingsley sa call. Dad, Kingsley is a family friend. Isa pa, pure business ang pinag uusapan namin. Alam niya yon. Pero nag selos agad siya, naging seryoso bigla. I'm trying to explain pero nagtatampo na siya."
YOU ARE READING
Afraid To Fall
Novela Juvenil"Maybe just like a shooting star, everything that I am is not what I seem to be. Maybe just like them, I am not really a shiny thing after all. I'm just this normal meteoroid who falls for everyone's kindness. As a meteoroid fell into the Earth's at...