Chapter 36

59 4 0
                                    




  It was still 4:30 AM in the morning when I heard someone knock at my door. I stood up to open it and I saw Dad smiling at me.

  "Good morning, sleepyhead! Derrick's here! He's waiting. Go fix yourself." Tumango ako at ngumiti rin. Mabuti na lang at naka-ready na rin ang mga dadalhin kong gamit. Kailangan ko na lang mag-ayos ng sarili bago umalis.

  After twenty minutes of fixing myself, I went directly to the dining room. Nandoon si Daddy at si Derrick habang naghihintay sa akin. I decided to wear casual clothes. Nagdala na lang ako ng ibang pang OOTD na damit para mamaya sa beach.

  "I think it's better if you eat your breakfast first, bago kayo tumulak papuntang Batangas."

  Gaya ng sabi ni Daddy ay kumain na lang muna kami kasabay niya. Naka-ilang habilin si Dad sa akin at kay Derrick. Pangatlo na yata? "Don't worry po, Tito. Ako naman ang kasama ni Stacey. I'll take care of her."

  Napangiti ako sa sinabi niya. Alright. A good thing to start my day.

  "How can I make sure of that?" Pabirong tanong ni Daddy.

  "Trust me po." I bit my lip as I heard him again. Kahit ano talagang banat nito, napapangiti ako. He's really cute when he's trying to earn my Dad's trust, at the same time, he's making me happy.

  Pagtapos kumain ay dumerecho na kami sa garahe. Tito Andrei's car is there. Derrick told me na mas magandang gamitin ang Strada ng Daddy niya dahil malayo ang pupuntahan namin, kaya hiniram niya.

  He opened the door of the front seat for me. Hindi naman mapigilan ni Daddy ang matawa dahil sa simpleng mga galaw ni Derrick. Namula naman ako.

  When will I ever get used to this?

  Habang papalayo ay kita namin si Daddy sa side mirror na kumakaway. He looks so happy for me, and I'm thankful for that.

  Nilingon ko si Derrick. He's driving furiously. Derecho ang tingin niya sa kalsada. Para siyang naeexcite na kinakabahan. Without even thinking, I grabbed my phone and took a picture of him. Halos lumabas ang kaluluwa ko nang bigla siyang nagbreak. Damn it! May flash pala yung phone ko!

  "What the hell?" Inis kong tugon sa kanya.

  Kumunot ang noo niya. "Baby."

  I rolled my eyes at him. "Jerk."

  "You think I can even drive carefully if you're taking a picture of me?" I laughed at his remark. Sino ba naman hindi matutuwa dito? Para siyang trying hard na naiinis kasi deep inside kinikilig talaga siya.

  Pinakita ko sa kanya yung photo. Damn. Ang hot niya doon. His narrowed eyes directly looking at the road, the grip of his hands into the steering wheel, the way his jaw clenched.

  How can he be this handsome?

  "You're hot." I mumbled. Nahalata ko naman ang ilang sa kanya. He smirked and continued driving again.

  Well, I guess this will be fun. Fun because I'm with him.

  Nagising ako nang tumigil ang sasakyan. Kakaparada niya lang sa parking area ng resort na wala masyadong tao ngayon. Shit. Wala akong balak na tulugan siya kanina pero di ko talaga kaya eh. And he told me I need it to gain energy. That's why I end up sleeping with his neck pillow.

  Lumingon siya sa akin at nakita niyang gising na ako. He winked at me before going out the car. I sighed. Ang hirap aminin pero bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Ugh, ang cheesy pakinggan.

  Pinagbuksan niya ako ng pinto para makalabas. He knew this is what I want. "Did you sleep well?" Ngumiti ako at tumango.

  Siya na ang nagdala ng bag ko. I insisted pero mas mapilit siya kaya hinayaan ko na. Minsan tuloy naiisip ko kung abusado ba ko. Minsan naman, feeling ko hindi. Yun yung gusto niya eh. Pagkarating namin sa tapat ng naka-reserve na room para sa amin ay binigay niya sa akin ang susi. Agad ko naman iyong binuksan para makapagpahinga na siya agad. Magkatabi kaming naupo sa kama.

Afraid To FallWhere stories live. Discover now