Chapter 27

64 5 2
                                    




  My first week of stay here went smoothly. Nalaman kong in-enroll na pala ako ni Daddy sa Hall Cross Academy. Sinabi niyang humabol nalang raw ako dahil last week pa nagsimula yung class nila. Sa isang linggo ko dito ay palagi lang akong nasa loob ng bahay. I'm still adjusting. Being alone is giving me a hard time. Dumagdag pa ang pag-aadjust ng katawan ko sa panahon dito.

  Kahapon lang ay bumisita sa akin si Prince. Nagtataka siya sa biglaang pagdating ko. Since I still don't wanna talk about what happened back then, I remained silent. But I did promise to him that I will tell him all of it if I easily recover from the past.

  I sipped on my coffee as I stare at the flowers outside the windows of my bedroom. I flinched when my phone starts vibrating.

  "Where the hell are you?! Stacey! What do you think you're doing?!" Inilayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Jamie.

  Napalingon naman ako sa pinto nang may kumatok roon. Tumayo ako para buksan 'yon. It's Prince. Dapat ba akong magulat? He has the spare key of this freaking house. Sa mga kwarto lang ang wala kaya hindi siya makapasok kanina.

  "Motherfucker. Answer me! You're gonna regret this, I swear!"

  Sa sobrang lakas ng sigaw niya sa phone ay napalingon din si Prince doon. "JAMIE STEVENS! Calm the fuck down." Saway ni Prince sa kanya.

  I forgot we have a rule. Sa amin ay bawal magsigawan. Prince is the oldest among us kung kaya't siya na ang authority sa aming magkakaibigan. He's the only one who can shout at us. How unfair.

  I turned it on loudspeaker. Natahimik siya sandali. "I'm sorry. W-wait, it's you—"

  "Yes it's me." Sagot ni Prince.

  "Oh my gosh, I knew it! Stacey, why you didn't tell me?"

  Magpapaliwanag pa lang sana ako nang bigla siyang magsalita ulit. "I need to hang up now."

  Medyo maingay sa kabilang linya kaya naisip ko na baka busy siya. Probably on the way to Geneses University?

  "Asan ka ba?" Tanong ko. The boy beside me looked at me confused. Natawa naman ako sa itsura niya. Oh damn, he doesn't know how to speak tagalog.

  "NAIA terminal. On the way to London, bitch." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang huling sinabi ni Jamie bago ibaba ang tawag.

  Napanganga naman si Prince sa tabi ko nang marinig ang sinabi ni Jamie. Grabe kung sigawan ako, siya rin naman pala pupunta dito. Crazy girl.

  I spent the whole day talking to him. Kulang na nga lang ay ma-nose bleed na ako sa kanya. Hindi na ako masyadong sanay magsaita ng pure english.

  Philippines! What have you done?!

  Bukas ay magsisimula na rin akong pumasok sa HCA. Mabuti nalang at parehas kami ng level ni Prince kaya magkaklase rin kami. I am really lucky dahil parehas din kami ng schedule. Hindi na ako mahihirapan na mag commute pa. He can drive me always. Okay lang rin naman sa kanya. Huh, advantages.

•••

*beep beep*

  Agad akong napatakbo sa labas nang marinig ko ang busina ng sasakyan niya. Inirapan ko siya pagpasok sa kotse. "Leche ka. Sana kumatok ka na lang."

  Lumingon siya sa akin ng naka kunot ang noo. I burst out in laughter when I realized what I just said.

  "What is leche?"

  Patuloy pa rin ako sa pagtawa. Ibig sabihin pwede ko pala siyang murahin in tagalog, anytime?

  "Hey. What is the meaning of that?"

Afraid To FallWhere stories live. Discover now