Buong weekend ay nanatili ako sa loob ng kwarto. Lumalabas lang ako sa tuwing tinatawag ni Daddy o kaya ay kakain. Jamie and Derrick tried to talk to me but I'm not yet ready so I didn't entertain them. I stared at the mirror as I look at myself. Sleepy eyes, messy hair, and those lips. They are once his. Yung mga kamay kong minsan na niyang nahawakan. He's my drug. How can I forget all the memories if it doesn't even want to be forgotten?I stayed that way until I heard my Dad knocking on the door. Siya daw ang maghahatid sa akin sa GU ngayon. And damn it, even that university is Kenneth's property!
Hindi umiimik si Daddy nang nasa byahe kami. Maybe he can sense that I do not like to talk about it yet.
Minsan naiisip kong ang tanga ko rin. Clues are everywhere. Paanong hindi ko napansin 'yon? Nung nagmura siya sa may hallway at nahuli siya ng teacher, hindi siya nadala sa guidance. Magkaibigan ang parents nila ni Jen and she told me na mom ni Kenneth ang nag suggest na dito siya mag-aral, so it makes sense. Kung bakit siya umalis agad nung ipapakilala ko dapat siya kay Daddy pagtapos namin mag SkyRanch. Kung bakit hindi siya nagparamdam pagtapos pagtangkaan ang buhay namin. Mahirap nga namang piliin kung sino sa amin ni Kingsley ang mas mahalaga. Nang makita ko sila ng Kuya niya na nag uusap sa dulo ng parking lot. Yung childhood picture nila ni Jen na may initials na K.G. It was him so imposibleng Kingsley ang meaning ng K doon. Yun din pala ang dahilan kung bakit galit na galit siya nang makipagtalo sa akin si Kingsley sa backstage ng auditorium. And lastly, yung Mitsubishi Lancer na ginamit niya para ipangsundo last time. So kay Kingsley pala yun? Kaya nag commute siya pauwi dahil nasa kapatid niya ang sasakyan? I'm too dumb to not even realize those things right in front of me.
"Stacey, tumawag ka lang sa akin kapag may problema." Tumango ako sa kanya at saka lumabas ng sasakyan.
Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin akong mag adjust. Its like I want to distance myself from everybody. Its like I want to distance myself from the traitors and all the bullshits of life.
Pagkarating ko sa room ay agad lumapit si Jamie at Derrick sa akin. "Hello." Tamad kong bati sa kanila.
"Thank God, you're talking!" Inirapan ako ni Jamie. Siguro ay naiinis na rin 'to dahil hindi ako nag o-open up sa kanila. Tell me, fake friend din ba siya? Kung oo, cut the connections agad. Para di masakit kapag malalim na yung samahan niyo tapos gagaguhin ka lang pala.
"I'm actually thinking, paano ko masusurvive ang buong araw na to kaklase ko sa lahat ng subjects ang traydor kong kaibigan?" Tanong ko sa kanila.
Nakita kong nakatingin si Jen sa amin na para bang out of place. Hindi siya makalapit dahil baka nalaman niyang alam ko na? Yep, bitch. And you don't belong here.
Tiningnan ako ng maigi ni Derrick. "Stacey, I know you. Hindi ka nagtatanim ng sama ng loob. Don't act like she is an enemy. Bugso lang yan ng damdamin."
"She is!" Sigaw ko. Mabuti nalang at kami palang apat ang nasa classroom. Wala akong pake kung marinig niya. In fact, it would be better. "Tangina ginamit niya ko para mapalapit sa taong mahal niya. Kaya niyang itaya yung buhay ko para lang maramdaman niyang may taong nagmamahal sa kanya. She is my bestfriend! Mas masakit dahil hindi ko 'yon inakalang magagawa niya. Mas masakit dahil ako mismong kaibigan niyang nagmamahal sa kanya ang ipinaubaya niya para sa lalaking wala namang interes sa kanya." I looked at her and I am not even surprised to see her crying.
"Tapos iiyak ka? Hindi ba ako dapat ang nasasaktan dahil sa kagaguhan mo—"
May humawak sa kamay ko na siyang nagpatigil sa akin. "Acey." His tone sent shivers to my spine. Oh my god, ngayon ko nalang ulit siya nahawakan. "Tama na."
YOU ARE READING
Afraid To Fall
Teen Fiction"Maybe just like a shooting star, everything that I am is not what I seem to be. Maybe just like them, I am not really a shiny thing after all. I'm just this normal meteoroid who falls for everyone's kindness. As a meteoroid fell into the Earth's at...