Jennifer's POVNapuno ng malakas na tawanan ang buong kwarto nang mag joke si Stacey. Mabuti na lang at naipaliwanag rin naman niya kay Kenneth kung bakit may sakit ngayon si Derrick. Kung sana siya na lang ang sumama, edi sana di siya nagseselos sa friendly date kahapon nung dalawa.
"8:30 na pala, akala ko ba may pupuntahan pa kayo?" Tanong ni Derrick sa kanila.
Isa pa tong abnormal na 'to. Sige ipagtulakan mo pa! Ikaw kaya itulak ko nang mas lalo kang mahulog dyan sa babaeng yan? Hayy! Sakit sa ulo ng mga kaibigan ko.
"Ah oo nga pala. Sige mauna na kami. Pagaling ka." Sabi ni Stacey bago hilahin si Kenneth.
Tumango naman siya kay Derrick bago lumingon sa akin. "Take care of that asshole, Jen. We gotta go." Nginitian ko na lang silang dalawa bago sila lumabas ng kwarto.
Lumingon siya sa akin habang nakangiti. Minsan di ko na alam kung totoong ngiti pa ba yan. Inirapan ko siya. "Hanggang kailan mo ba gustong magmukhang tanga sa harap ko? Hanggang sa kaawaan kita? My gosh, Derrick!"
Nilapat niya yung index finger niya sa labi ko. "Shh. Ang ingay mo."
"Sabi ni Stacey, magpagaling ka. Kaya please wag ka munang magpakatanga sa kanya. Tsaka mo na agawin kay Kenneth pag kaya mo na."
"Exactly. Kaya nga hindi ko pinilit yung sarili ko na magpakita sa café kanina." Paliwanag niya.
Umupo ako sa dulo ng kama niya. Nakakastress kasama tong lalaking to. "Derrick, alam mo minsan ang sarap mo sapakin."
Natawa siya sa akin. Is he a psycopath or what?!
"Pick up line ba yan, Jen? If yes, wala akong planong magkagusto sayo."
Binato ko sa kanya yung pinakamalapit na unan sa akin. HOW DARE HE?!
Pinalo-palo ko sa kanya yun. Nakakainis lang at nakakailag siya. "Ang kapal talaga ng mukha mo! Minsan gusto ko na lang sabihin kay Stacey yung totoo. I'm being unfair with Kenneth. Siya naman talaga ang una kong kaibigan. Ewan ko ba bakit ikaw ang kinakampihan ko!" Naiirita kong sigaw sa kanya.
Nakakalito nga naman kasi.
"See? You're being unfair pero loyal ka pa rin sa akin." Pang-aasar niya. And oh, nagawa pa niya kong kindatan. This asshole?! Sarap tusukin sa mata!
Natapos yung gabing yun nang puro lang siya pang-aasar. Ang sarap niya nga sampalin para matauhan eh. Nakikipagkulitan siya pero kapag kami lang dalawa at seryoso yung usapan namin, umiiyak siya sa harapan ko. Galing magtago ni mokong.
Also, never have I ever thought this asshole can cry infront of me dahil sa isang babae.
Kinaumagahan ay maaga ako dumating sa GU. Sabi kasi ni Kenneth ay kakausapin niya kaming dalawa ni Derrick, habang wala pa si Stacey.
"Now what?" Pambungad na tanong ko sa kanila pagpasok sa room namin. Kaming tatlo palang ang nasa loob. Ang aga-aga, nangangapit bahay to si Kenneth.
Tinuro siya ni Derrick. "Ito kasi, nagpapatulong."
Nag puppy eyes sa akin si Kenneth at nag pout na parang bata. Duh? Anong akala niya sa akin? Mafa-fall ako sa charms niya tulad ni Stacey? Nah.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko.
"Kailangan ko ng tulong niyo—"
"Obviously." Napairap ako. Duh? Kaya nga niya kami kinakausap dahil dun diba?
He exhaled his nervousness. "Gusto kong ligawan si Stacey. And guys please, I need your help."
Agad kaming napatunganga ni Derrick. What should I say? Lumingon ako at nakita kong napalunok siya sa narinig niya. Samantalang ako naman, nanatiling naka nga-nga. "Huy."
YOU ARE READING
Afraid To Fall
Novela Juvenil"Maybe just like a shooting star, everything that I am is not what I seem to be. Maybe just like them, I am not really a shiny thing after all. I'm just this normal meteoroid who falls for everyone's kindness. As a meteoroid fell into the Earth's at...