Chapter 15

71 5 0
                                    



One week pa lang nang sinimulan naming mag perform sa Neon Night Café pero tinigil muna namin. Masyado na rin kasing busy sa mga tasks sa Geneses University kaya naisipan naming mag focus muna. Pinayagan naman kami at sinabihan na pwede kaming magperform anytime, basta ganoon pa rin ang schedule namin.

Nilapitan ako ni Derrick pagkababa ko ng kotse. Mukhang kakarating niya lang rin.

"Si Tito Jonathan ba ang naghatid sayo?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Siguro dederecho na siya ng QC. Daddy mo ba ang naghatid sayo?"

"Yup."

Sinabayan ko siyang maglakad papunta sa first subject namin. Pagkarating ng room ay kaming dalawa pa lang ang tao. Ang aga pa naman kasi.

Nilingon ko siya. "Gusto kong matulog."

"Take a nap. Ako na ang magbabantay sayo."

Umiling ako. "Wag nalang pala. Wala kang kausap eh. Baka ma-bored ka."

He chuckled. "Seriously, Stacey? Yun talaga ang inaalala mo? Okay lang naman ako." I shrugged. Minsan ang sarap sapakin nito. Okay lang daw tapos hindi naman. Tulad nung binigay niya sa akin yung jacket niya. Nagkasakit pa tuloy siya dahil sakin. Edi konsensiya ko pa? No thanks!

Ang tagal naman ni Jen. Ang awkward kasi ng atmosphere namin ngayon ni Derrick eh. Hindi siya yung sobrang hyper.

"Kamusta na nga pala kayo ni Kenneth?"

Natawa naman ako. Hindi ko naman inexpect na tutulungan nila ni Jen na manligaw si Kenneth sa akin.

"Araw-araw may laman yung mailbox namin dahil sa pinapadala niyang letter. Sa loob nun, nakalagay ang isa sa mga rason kung bakit niya ako gusto. Di niya daw ititigil yun hanggang di ko siya sinasagot. Ang sweet diba?"

He looked at me and then he smiled. "Yeah."

Gulat kaming napabaling sa pinto nang may marinig kaming malakas na katok. "Hi friends!" Hyper na sigaw ni Jen. "We have a new classmate. At panibagong tropa para lima na tayo."

"Sino naman?" Tanong namin ni Derrick.

Napanga-nga ako ng pumasok si Jamie sa room. Kumaway siya sa amin bago lumapit.

"How come? Malapit na mag preliminary ah." Tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Oo nga eh but I can have a special schedule daw para makahabol ako sa inyo."

"Ahh."

Silence...

Humalakhak ng malakas si Jen. "Ang tahimik niyo naman!" Sigaw niya kaya binato siya ni Derrick ng crumpled paper.

"Anong gusto mo? Magsigawan tayo dito?"

"Hindi. Gusto ko maglambingan tayo dito."

Sumabat si Jamie at binigyan sila ng nakakadiring tingin. "Ew. Cringe." Natawa ako ng mahina. Favorite line niya ba yun?

"Lambingin mo sarili mo." Bulong ni Derrick.

"Ha-ha. Ikaw nga di ka malambing ng taong gusto mo."

"Shut up. Malayo rin namang lambingin ka ng taong matagal mo ng gusto."

Halos mapatakip na kami ng tenga dahil sa asaran ng dalawa. Parang mga bata talaga sila kung mag-away. Lumabas muna kami ni Jamie sa room para gumala. Wala pa naman masyadong tao eh.

Umupo kami sa bench sa tapat ng chapel kung saan ako sinet up nila Jen para kay Kenneth. "So, are you guys okay?"

"Huh?"

Afraid To FallWhere stories live. Discover now