Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. "Derrick, I think she's awake." Narinig ko agad ang boses ni Jen.Nakapaligid silang tatlo sa akin. Jamie is holding my hand. Jen is staring at me. Habang si Derrick naman ay marahang hinahaplos ang buhok ko.
"Okay ka na ba?" Tanong niya. Tumango ako bago umupo.
Damn. Sobrang sakit ng ulo ko.
I'm still dumbfounded about what happened earlier. Hindi ko akalain na ganun na katindi ang galit nila sa amin. To think that they can threaten our lives just because of that.
"Asan si Kenneth?" Tanong ko. Siya lang kasi ang kulang dito.
Nagkatinginan silang lahat bago nagkibit ng balikat. Huminga ako ng malalim. Lagi nalang bang ganito? Lagi siyang wala kung kailan kailangan ko siya?
Biglang pumasok si Daddy sa kwarto. "Thank God, you're fine." May sugat siya sa magkabilang braso. Tanda na nahirapan siyang buhatin ako mula sa pwesto ko kanina.
"We can go home, sabi sa akin ng doktor." Lumingon siya kila Derrick. "Pack up your things."
•••
Pagkauwi namin ni Daddy ay ginagawa na ang pagpapalit ng panibagong bintana sa kwarto ko.
Nakaupo siya ngayon sa sofa habang nagce-cellphone. "Nagtext sa akin si Derrick. Aalis daw kayo ngayon?" Saturday naman kaya nagyaya silang gumala.
Umupo ako sa tabi niya. "Yup." Nakaayos na ako at hinihintay nalang sila.
"Kasama niyo si Kenneth?"
"Hindi nga po nagpaparamdam eh."
He looked at me intently. "You guys should talk about that. Ang simula ng unhealthy relationship ay pag hindi kayo nagkakaroon ng communication. Pag-usapan niyo yan."
Tumango ako. "Opo, Dad. Makikipagkita na lang ako sa kanya."
Maya-maya ay may pumasok ng bahay. "Hi, Stacey!"
"Hello, Tito Andrei! Asan na po si Derrick?"
"He's on the way. Sinundo lang yung iba niyo pang kasama." Tumango ako at saka inabala ang sarili sa pagbabasa ng magazine.
Medyo lumayo sila ni Daddy sa pwesto ko pero rinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila. "Do you have any idea?" Dad started the topic.
Sandaling tumahimik si Tito. "Wag mo sabihin na wala kang balak gawin sa mga Gregorio? Pinagbantaan nila ang buhay niyo, Jonathan. Pati ang anak mo ay madadamay pa. Wala ka man lang bang gagawin para pigilan sila?"
"Come to think of it. Kung gumanti man ako sa kanila, ibabalik lang rin nila yun. We took revenge, they did the same. Ginagawa nilang cycle. Alam mong hinding-hindi sila magpapatalo. Kingsley is really powerful. Paano pa kaya kung magsama sila ni Carlos?"
I bit my lip. Hindi naman siguro sila nagtatalo diba? They're just planning things. Siguro ay para sa Gala Night.
Tumingin ako sa kanila at mukhang sang-ayos si Tito sa sinabi ni Daddy. "Sabihin na nating ganoon nga. Wala ka talagang plano para sa party na inihanda nila? That could be a trap para sa mga kaaway nila sa business world."
"Nararamdaman kong wala silang gagawin na masama sa party na 'yon. Tiwala lang." Dad said. Tito nodded at him.
Nakikita ko yung gustong iparating ni Tito na hindi naman pwedeng sumugod tayo sa kalaban ng wala man lang alas. But I also get Dad's point. Nothing will happen if we just keep on repeating those wrong things.
YOU ARE READING
Afraid To Fall
Teen Fiction"Maybe just like a shooting star, everything that I am is not what I seem to be. Maybe just like them, I am not really a shiny thing after all. I'm just this normal meteoroid who falls for everyone's kindness. As a meteoroid fell into the Earth's at...