"Sometimes, pain needs to be felt.""It hurts because it matters."
Those were quotations I've got from John Green. He is right. We can't live without feeling the pain. We can't live without getting hurt.
Pero tama pa bang saktan ko si Derrick para matauhan siya?
Kinagabihan ay nagpadeliver ng pizza si Jamie para sa dinner namin. Here, we don't usually eat rice three times a day. Nasanay na rin ako dahil isang linggo na akong nandito. At di ko rin maiwasan ang matulala na kahit sa simpleng pagkain ng pizza, mga alaala pa rin namin ni Kenneth ang gumugulo sa utak ko. Hanggang dito ba naman?
Parang dati lang, magkasama pa kami. Parang dati lang, kami pa.
Hindi ko rin siya talaga masisi dahil kasalanan ko rin naman. Bakit hindi ko muna siya kinilala ng lubusan, diba? Sinong tanga? Ako pa rin.
Sa table ay magkatabi kami ni Jamie habang katapat ko naman si Derrick. We talked and asked each other how have been. I silently looked at him. Sandaling nagtama ang mga mata namin kaya naman napaiwas ako ng tingin. Nakakailang. Para bang lagi nalang ako yung may kasalanan kung bakit siya hindi masaya.
Mariin akong pumikit. Pumunta ako rito para magkaroon ng peace of mind. Para malaya ako sa mga taong gumugulo sa pagkatao ko. Bakit para yatang mali ako? Mas lalo ko lang silang naiisip.
"Stacey, are you alright?" Pagod kong tiningnan ang katabi ko. Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
Sandali pa ay biglang tumunog ang phone ni Derrick na nakapatong sa lamesa. "Excuse me, I'll take this."
Paglabas niya ng bahay ay hinarap ako ni Jamie. "Tell me, anong nangyari? Mailap ka sa kanya eh."
Halata ba? Halata ba na iniiwasan ko siya?
"I don't know. I mean, he let me watch Kenneth's video. Syempre naiyak ako, then he wants to comfort me. He asked if I need a hug. Instead of letting him, I told him I want Kenneth's hug. I'm quite confused. He left the room smiling at me while sadness is all I can see in his eyes. Nakakainis. Bakit hindi niya magawang magalit?"
Tumahimik siya sandali bago ako hinarap. "Minsan, hindi ko alam kung tanga ka ba talaga o ano eh."
Sinimangutan ko siya. Mag a-advice na nga lang, aasarin pa ako.
"Come on, nasabi ko na yan sayo. Walang nagagawa ang isang bulaklak na katulad mo para sa isang araw na katulad niya. Kahit wala siyang napapala, hindi siya nagrereklamo, Stacey. As long as he can see you blooming, as long as he can see you growing, hindi siya titigil dahil yun ang function niya. Stacey ikaw kasi yung babae na hindi niya kayang kontrolin. Na kahit saktan mo siya, ayos lang. Kahit na nakakasama na para sa kanya, ayos lang kasi ikaw naman yan. Please, intindihin mo yun. Mahalaga ka kasi sa kanya na kahit panandaliang galit lang, hindi niya magawa. Stacey, wake up! Wag mo masyadong lunurin yung sarili mo kay Kenneth. Sa mundo mo, he's gone. Isipin mo na wala na talaga siya. Pansinin mo naman yung mga taong worth ng attention mo hindi yung taong alam mo na patuloy ka lang sisirain. Derrick is always there for you, don't wait for him to slip away. Masasanay ka rin na wala na talagang Kenneth na titira dyan puso mo. Hayaan mo naman yung sarili mo sa iba."
I hugged her tightly. Ang gulo. Sobrang gulo ng isip ko. Salamat pa rin na kahit papaano, nandito si Jamie para pagaanin ang loob ko.
Napasubo nalang ako ng pizza. Tumulo na naman ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Inabutan ako ni Jamie ng panyo para mapunasan ko 'yon.
I tried to act normal nang makita kong pabalik na si Derrick. "Hindi mo raw sinasagot ang tawag ng Daddy mo."
"Uhh sorry. Nakacharge kasi sa kwarto. M-may iba pa ba siyang sinabi sayo?"
YOU ARE READING
Afraid To Fall
Teen Fiction"Maybe just like a shooting star, everything that I am is not what I seem to be. Maybe just like them, I am not really a shiny thing after all. I'm just this normal meteoroid who falls for everyone's kindness. As a meteoroid fell into the Earth's at...