Pinigilan ko ang sarili na mapangiti sa sinabi niya. Why the hell would he say that? Mas lalo tuloy akong nahiya sa kanya.Hindi ko maintindihan. This was once a comfortable situation to be with him, to be with a guy friend. Hindi ko kailanman naisip na darating sa punto na may malisya ang simpleng paghatid niya sa akin sa bahay. Well, sa tingin ko ay meron talaga base sa mga binitawan niyang salita kanina.
Wala kaming imikan hanggang makarating sa bahay. Hindi muna agad ako bumaba ng kotse since ini-expect kong pagbuksan niya ako.
At hindi ko akalain na mali ang iniisip ko! He didn't open up the door for me!
I rolled my eyes on him nang makitang nasa tapat na siya ng pintuan ng bahay at tinatawag na ako para bumaba. The idiot is laughing! And he's making fun of me!
Bumaba na lang ako ng kotse mag isa dahil sa pagkabadtrip sa kanya. Is it really his fault? Or I'm just assuming things?
I frowned when I noticed that he really can't stop himself from smiling. "Sorry." Paano ako maniniwala sa sinabi niya kung pinagtatawanan niya pa rin ako?
Natahimik siya at umakbay sa akin nang makita na hindi ako nagre-react. He then became serious.
"Hey, I'm sorry, alright?" He patted my head like I was some dog.
Inis kong tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Yeah, fine."
Hahawakan ko na sana ang door knob para pumasok nang kusa itong bumukas. Confetti ang unang sumalubong sa akin bago ko makita sina Jen, Jamie, at Kenneth sa loob.
Damn! They're here! My friends are here!
Napatakip ako sa bibig dahil sa gulat. "Kenneth, you are here! Kaya pala wala ka na sa dining area kanina." Tumango siya at natawa.
"Hindi ako pinansin ni gaga." Nanlaki ang mata ko nang maalala kung kanino nagsimula ang boses na iyon. It is Jennifer's!
Lumingon ako sa kanya at agad na napayakap. For the past years, sa kanya lang talaga ako nawalan ng koneksyon. I blamed her every night simula nang malaman kong siya ang naging daan para pagbantaan ni Kingsley ang buhay ko. The guy said sorry dahil ginamit niya ang kaibigan ko, and I think I need to say sorry now for being mad at her. It wasn't really her fault. She's a victim. Both of love and for trusting a person.
"I missed you. Damn, girl, I miss talking to you.." bulong ko sakanya habang magkayakap pa rin kami. Pagbali-baliktarin man ang mundo, hindi ko maipagkakaila na siya ang unang naging kaibigan ko sa lugar na 'to.
Bumitiw ako at napansing lumuluha na rin siya. "I'm sorry. I'm so sorry dahil nagalit ako." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
She smiled at me like we didn't act as enemies before. "Forget that, Stacey. Ayos na 'yon. Leave the past. I am tired of drama. You are, too. All I care about now is to bond again with you and the whole squad."
Agad namang napatili si Jamie at niyakap kaming dalawa. Guess we really can't forget each other even with the most complex technique. Paghiwalayin man kami ng panahon, our memories will stay together and it will be our only way to find each other again.
Sobrang sarap sa pakiramdam na mabuo ulit yung pagkakaibigan na minsan nang nasira ng tiwala.
Sinamahan nila ako sa kwarto nang sinabi kong magpapalit muna ako ng damit. I found out na inayos pala nila ang kwarto ko at ginilid ang kama para tabi-tabi kaming matutulog sa lapag mamaya.
Umupo kaming lima sa kuston na inilatag nila. We formed a circle para mapadali ang kwentuhan.
"You didn't tell me you are all going to sleep in here."
YOU ARE READING
Afraid To Fall
Teen Fiction"Maybe just like a shooting star, everything that I am is not what I seem to be. Maybe just like them, I am not really a shiny thing after all. I'm just this normal meteoroid who falls for everyone's kindness. As a meteoroid fell into the Earth's at...