Chapter 29

90 4 1
                                    




"Tara?" Tanong nila sa akin.

"Huh? Tara saan?"

"Tara sa Bonifacio Park." Sagot nila.

Dumerecho agad ako sa loob ng kotse kaya nagtawanan sila. Umangal si Derrick nang sumakay rin sa kotse ko si Jamie. Well, wala rin naman siyang nagawa kung hindi pumayag na humiwalay sa amin.

Pagkarating doon ay dumerecho kami sa hiraman ng bike. Ilang beses pa nila akong pinilit na sumakay ulit doon. Simula kasi nang bumalik ako sa London, hindi ko na ginagawa yung mga dati kong gawain dito. Doon, nagjo-jogging lang ako tuwing umaga. Napakaraming alaala kasi yung katumbas ng mga bagay na nakasanayan ko dito.

Sa pagbi-bike, pagkain ng pizza, pagsakay sa ferris wheel, siya lang ang lagi kong naaalala. He's toxic, yet I love the way I am addicted with him.

Mahangin ngayon at hindi masyadong sikat ang araw kahit na magtatanghali pa lang. Habang tinatanaw ko ang mga pagbabago sa park na 'to, humiwalay si Derrick at Jamie sa akin. Hmmm, alone time?

Binilisan ko ang pag pedal papunta sa dating pwesto ng wishing well. Luminga-linga ako nang may mapansin. They removed it?!

Bad news para kay Daddy dahil napakahalagang bagay nun sa relasyon nila ni Mommy. Good news sakin dahil kasabay ng pag pagiba nila sa well ay ang pagkawalang bisa ng mga pangako namin sa isa't isa. Mga pangakong inakalang matutupad. Mga pangakong nagpaasa sa aming dalawa. Mga pangakong napako dahil sa kanya.

Kung matagal ko na siyang kilala, magkakaroon kaya ng kami? Siguradong wala dahil sa simula pa lang, alam na namin ang posibleng kahantungan.

Pero bakit ganun? That well used to be the beholder of our memories. That well used to be our favorite place. It is where we promised to love each other.

Tunay ngang ang mga nangangako lang sa harap ng altar ang siyang makakatagpo ng tunay na pagmamahal. Hindi nga naman kasi madadaan sa kahilingan ang lahat ng bagay, yung iba ay sa taimtim na panalangin kumakapit.

Too bad, I didn't pray for our relationship. We didn't let Him be our center. Yun ang mali.

Nakatulala ako sa fountain na dating nasa likod ng well nang mapansin kong may naglalakad papalapit sa akin. Uh, ibang tao? Kasi nakabike yung dalawa kong kasama.

Pumantay siya sa pwesto ng bike ko bago lumingon sa akin. Si Kenneth.

Kung ang pagmamahal niya sa akin ay hindi kayang pigilan nino man. Ang pagmamahal ko naman sa kanya ay tila pagtakbo ko sa tuwing umaga. Nakakapagod na.

Nakilala ko siya nang makita ang pamilyar niyang lakad sa peripheral vision ko. Para akong natanga nang hindi ko pa rin siya tinitingnan. Dahan-dahan kong niliko yung bike bago nagmadaling lumayo sa pwesto na 'yon.

Tumingala ako sa langit at pabirong sinimangutan ko. "Lord, bakit naman ngayon pa? Hindi pa ako handa oh. Give me some more time. Hindi pa kaya ng puso ko na kumalma. Kahit nakakapagod pa ang mahalin siya, kung yun talaga, wala akong magagawa. Yun yung taong pinakamamahal ko. Wag ka po mag-alala, ako mismo mag a-approach sa kanya pag naka get over na talaga."

Sa gilid ko ay biglang sumulpot si Derrick. "I saw him. Nagkita kayo?" Seryoso niyang tanong. Bakit? Bawal ba?

Lumapit rin sa akin si Jamie na kadarating lang. "Sa tingin ko, mas mabuting umalis na tayo. Tanghali na rin eh."

Sandaling nawala ang matalim na titig ni Derrick nang hilahin na ako ni Jamie papunta sa sasakyan. Habang pauwi ay patuloy siya sa pagkwento sa akin about sa park.

"Sayang rin yung wishing well nila. Yan pa naman ang pinupuntahan dito ng mga taga ibang lugar."

"Okay na rin siguro yun. Ang hirap kasi na nagtitiwala yung isang tao na matutupad yung hiling niya kapag nagtapon ng barya sa may tubig. Hindi ba mas effective kung sa simbahan ka pumunta at doon ka humiling sa Kanya?"

Afraid To FallWhere stories live. Discover now