Monica's Point of View
Hay. Pang ilang buntong hininga ko na ba to? Siguro lagpas na sa mga daliri ko sa kamay pati na rin sa paa.
"Monica!"
"Oh Thanea?" Tumatakbo sya papunta sakin kaya hingal na hingal sya. Bestfriend ko sya. Sya si Thanea Mendiola. Ewan ko ba kung paano ko sya naging bestfriend. Medyo mas maliit sya sakin ng konting konti. Konti lang talaga. Color brown ang hair nya na hanggang waist nya. Oo maganda sya pero mas maganda ako.
Pagkarating nya sakin ay bigla syang umupo sa tabi ko. May tubig na nangingilid sa kanyang mga mata at malapit na itong tumulo.
"Monica! Brineak nya na ko. First time 'tong lalaki ang nakikipagbreak sa akin. "
Hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi niya kasi hikbi siya ng hikbi.
"Ha? Teka teka, di ko gets. Thanea, inhale-exhale." Ginawa nya naman yung sinabi ko.
"Monica, Erick and I broke up. Siya pa ang nakipagbreak sakin at di ko tanggap yun!"
"Ano?! What the eff. Ang kapal naman ng mukha nya! Aba! Kailangan kong kausapin yung gagong yon!"
"Wag na. Ako naman kasi may kasalanan eh." Malungkot na sabi nya.
"Ha? Papaanong ikaw?"
"Nalaman nya kasi na may gusto pa sakin si Ryan. Sabi nya sakin manloloko daw ako."
"Eh?"
"Tinanggap ko kasi yung alok niyang panliligaw eh."
"Sira kang babae ka!" Pinitik ko yung noo nya. Sya naman pala may kasalan tapos iiyak iyak sya.
"Aray naman eh! I have no choice Monica. Sabi ni Ryan, pag di ko daw tinanggap yun magpapakamatay daw sya." nagulat ako sa sinabi niya.
"Ibablackmail ka niya? For that petty reason?"
"Pero Erick didn't even bother to hear my explanation. Hanggang next week lang naman yun eh. Kasi pupunta na ng ibang bansa si Ryan next week."
Habulin kasi ng guys itong si Thanea. Palibhasa mayaman, sexy, maputi at maganda.
"Ganito, treat na lang kita, mall tayo para naman marefresh ka. Sabi ko naman sayo, boys are not worth keeping."
Sumunod na lang sya sakin at tumungo na kami sa mall. Maga na ang mata ni Thanea kakaiyak kaya inaya ko sya sa spa para marelax. Nasa school kami kanina. Half day lang kasi kami kaya pwede kaming mag mall ngayon.
By the way, 4th year highschool lang kami. And fortunately, classmate ko si Thanea.
Ako si Monica Cervantes. No boyfriend since birth. Bakit? Ewan. I just don't like getting in a relationship that I know that it will never last. Pero sabi nila, ang galing ko daw mag advice sa mga love problems. I don't know, siguro kasi natututo ako sa mga naririnig kong stories. Pero aminado ako masungit talaga ako, mataray. Ewan, pagkapanganak sakin ganun na ko eh. May business ang papa ko pero hindi naman iyon ganun pa kasikat. Pero ang alam ko, pasikat na rin ang business namin.
"Monica, magdedecember na, two months to go and it's Christmas." sabi nya habang nasa sauna kami.
"Urgh! Pinaalala mo pa! Andami ko nanamang gagawin! Bwisit na yan."
"Ayan kasi! Monica the President pala huh."
"Ayoko naman kasi talagang maging president ng student council eh." Yeah you've heard it right. I'm a president. Paano? Sa school kasi namin pag ninominate ka ng majority ng class, automatically magiging president ka agad. Umayaw ka man, hindi pwede dahil grades mo na nag nakasalalay doon.
BINABASA MO ANG
He Really Exists, What?
RomanceStatus: Completed but under revisions (removing the "jeje" factor) Isang simpleng buhay ang meron ako. Okay na. Masaya na ako. Contented. Kahit never pa akong nagkaroon ng boyfriend. Boyfriend lang pala eh. Panira ng studies. Oh well. Ang problema l...