"Thanea, bakit nga pala ako nun hinimatay nung nasa Boracay tayo? Bakit parang di naman ako binantayan ni Innigo?" tanong ko kay Thanea na ngayon ay nandito sa kama ko. Ewan ko. Bigla na lang yan pumasok sa isip ko. Sinusuklayan niya kasi ang buhok ko. Kakaswimming lang kasi namin. Yung mga boys at iba pang girls, andun sa labas. Nagswiswimming parin. Ako umahon na kasi sumakit ang ulo ko. Ayoko naman sabihin pa kay Innigo kas baka pati yun umahon pa. Eto naman si Thanea umahon din nung umahon ako.
"Yung hinimatay ka? Hmm... Si Innigo lang kasi ang kumausap noon sa doctor na nagcheck sayo. Chineck ka kasi ng doctor noon. Ang sabi ay baka sobrang pagod lang naman daw kaya ka hinimatay. Kaya ayun, pinaubaya na sa amin ni Innigo ang pagbabantay sa'yo kasi ok ka na naman. Natutulog ka lang tsaka isa pa maghapon naman siyang nagbantay sa'yo nun." sagot ni Thanea.
"Ah ganun ba."
Maya maya lang ay aalis na rin kami. Papunta na kami sa Baguio. Yay! Ang saya saya naman. Ay teka. Nagugutom ako.
"Best, pwede paki kuha naman sa labas yung iniihaw nilang BBQ? Nagugutom kasi ako eh." sabi ko kay Thanea.
"Sige besy."
Tumayo na siya at lumabas. Ano ba naman yan. Bakit ang boring? Kinuha ko ang DSLR Camera ko sa bag ko at kinuha iyon.
"Wow. Ang cute naman ng butterfly na ito. Nakadapo pa sa kama ko. Mapicturan nga." I took a picture of the butterfly. Waaah! Ang ganda ^_^
"Bes, eto na yung BBQ oh." Dumating na pala si Thanea pero.. Huh? Bakit siya may BBQ?
"Bakit ka mag BBQ Bes? Gutom ka?" tanong ko sa kanya habang tinitignan yung litrato.
"Huh? Di ba sabi mo gutom ka? Eto, ikinuha kita ng makakain." Nagtatakang tanong niya sakin.
What? Ako nanghingi? Bakit wala naman akong maalala? Ako ba ay pinaglololoko neto ni Thanea?
"Wala akong sinasabi hay nako. Eto, tignan mo na lang oh! Butterfly! Ang cute niya no?" pinakita ko sa kanya yung pic. Tumaas ang kilay niya.
"Bakit? Di ba maganda? Kanina nasa kama yan eh." sabi ko sabay kuha nung bbq na dala dala niya.
"Butterfly?"
"Oo. Ayan oh. Color green pa nga eh."
"W-walang butterfly bes."
"Huh?" tumingin ulit ako sa camera ko.
"Meron kaya! Hala. Malabo na ba mata mo? Ay nako. Sige. Magsalamin ka na at matutulog na muna ako saglit." sabi ko sa kanya sabay lapag ng camera sa gilid at humiga na.
"Pero Bes, aalis na tayo diba?" sabi ni Thanea. Ano ba tong babae na to. Kanina pa to eh.
"Saan naman tayo pupunta? Ikaw talaga Thanea. Sige na. Matutulog na ko." Ang gulo talaga nun kahit kelan.
Umidlip na lang muna ako.
*Thanea Mendiola's Point Of View.*
Bakit ganun? Paranga ng weird ni Monica nitong mga nakaraang araw? Lagi na lang siyang hinihimatay. Tapos kanina. Nagpakuha siya ng BBQ ah! Kaya nga ako lumabas eh. Nangtritrip ba yun? Tapos yung sa butterfly. Pinagpipilitan niyang may butterfly eh wala naman. May sira na ata yun eh. Tapos tatanungin pa ko kung saan pupunta. Hays. Baliw na ata. Baka nantritrip lang yun.
BINABASA MO ANG
He Really Exists, What?
RomanceStatus: Completed but under revisions (removing the "jeje" factor) Isang simpleng buhay ang meron ako. Okay na. Masaya na ako. Contented. Kahit never pa akong nagkaroon ng boyfriend. Boyfriend lang pala eh. Panira ng studies. Oh well. Ang problema l...