<INNIGO CARL DINARO'S POINT OF VIEW>
-7 YEARS AFTER-
"Innigo. The mind might forget but nevertheless the heart. Maaaring makalimutan ka ng isip ko pero lagi kang nandirito sa puso ko."
"Alam ko. Pero-"
"Innigo. Promise me. Promise me you'll study. Or else di ako magpapaopera." I sighed.
"Masakit tong ginagawa mo sakin Monica."
"But that will make you stronger."
"Promise me you'll come back for me. For us." she smiled at me.
"Yes. I promise. Babalik ako. Hintayin mo ko. I'll be back."
"I love you. And I'll miss you."
"I love you more. Babalik ako. Makakaalala ako. Promise."
"Promise."
Seven years had past and still I am holding on to that promise. Walang nabawas sa pagmamahal ko kay Monica. In fact, nadagdagan pa iyon. Kahit wala siya dito, cinecelebrate pa rin naming ang birthday niya. Sa loob ng pitong taon, maraming nagbago. Sa simula, sobrang nahirapan ako. Di ko alam kung kamusta na ba siya or ano. Basta right after ng operation niya, nagemail lang ang parents niya na successful ang operation. Kahit miss na miss ko na siya at gustong gusto kong pumunta doon na kung tutuusin naman ay pwede, hindi ko magawa. Why? I made a promise with her. Hindi sa hindi ko siya mahal kaya nakaya kong wala siya ng pitong taon. Hindi ganun yun. Nakaya ko kasi may pinanghawakan akong pangako. At alam ko di niya ko bibiguin.
Sa loob ng pitong taon, napakaraming nangyare. I graduated as Cum Laude at Lee University. Kung saan gusto ni Monica makapag aral. Dun ako nagtapos. Tinapos ko ang photography tulad ng napag usapan namin. Right after ko grumaduate, marami nang company na kumukuha sakin. Actually OJT pa lang madami na. But syempre, dun ako sa mag aalaga sakin na company. And I chose Han's company. Dun ako nag OJT. Photographer ako ng models, sceneries, weddings, debuts and fashion shows. Malaki na ang bayad sakin. Professional na nga ako kung tuturingan kahit 3 years pa lang ako sa industry. Naging photographer na nga ako ni Yannie eh.
Ang barkada nga pala. Ayun. Hanggang ngayon matibay. Wala na atang makakabuwag dun. Marami mang nagbago, hindi nagbago ang samahan namin. Simula nung umalis si Monica, sila na ang tumayong sandalan ko. Tumayong pamilya ko. Believe it or not naging super close kami ni Patrick. Nakakatawa no? Mapaglarong tadhana.
Anong nangyare sa barkada?
Si Dylan at Justine, kinasal na sila. Right after grumaduate ng college ay nagpakasal na sila. Ngayon, may isa silang anak. Namana rin pala nila ang negosyo ng kanya kanya nilang pamilya.
Si Gab at Joice, nako, yun pa ba? Kasal na rin sila. After few months lang pagkatapos ikasal sila Dylan ay sumunod na rin sila. And knowing Gab? Dalawa na anak nila. Kambal. And, buntis ngayon si Joice. 7 months na. Katulad kina Dylan, namana rin nila ang kanya kanyang business ng pamilya. Mga CEO ang barkada ko! Naks naman.

BINABASA MO ANG
He Really Exists, What?
RomansaStatus: Completed but under revisions (removing the "jeje" factor) Isang simpleng buhay ang meron ako. Okay na. Masaya na ako. Contented. Kahit never pa akong nagkaroon ng boyfriend. Boyfriend lang pala eh. Panira ng studies. Oh well. Ang problema l...