Existence 19

1.8K 42 9
                                    


Uhmm... Dinilat ko yung mga mata ko. Umaga na pala. Nakita ko si Innigo sa tabi ko, hinapo ko yung noo niya kung mainit pa siya. Wala nang lagnat. Ang galing ko namang doktor. T-teka! T-tabi ko?!?! Bigla kaong napabangon. Sino kaya nag lagay sakin dito? Parang kagabi nakaupo ako sa gilid lang ng kama ah?

Umalis na ko dun sa room niya. 10 na pala. Wala na sila sa kwarto. Nakita ko sa window na nagswiswimming sila. Grabe ha? December nagswiswimming? Kaya naman pala maraming damit si Thanea. Alam niya na magtatagal dito. Kinausap ata ni Tyrone. Tsss. Wala tuloy akong swim suit. Mag shoshopping nga pala ako ngayon. Bibili na lang ako. Umupo ako sa kama ko tapos kumuha ako ng papel and paper. Ililista ko yung mga bibilhin ko.

After kong magsulat, naligo na rin ako at nagprepare. Napansin ko namang pumasok si Daniel sa room namin.

"Buti hinayaan ka ni Innigo na matulog ka doon sa room niya?" Sabi ni Daniel.

"Ha? Eh ano, di naman sa hinayaan. May sakit kasi siya kagabi. Ako na nagbantay. Kasalanan ko rin naman eh. Di ako nakinig sa kanya. Sabi niya kasi mag car na daw kami or payong di ako nakinig. Di ko naman alam na uulan eh. Ayun. Napuruhan ata siya kaya binantayan ko na."

"Ah. Inalagaan mo? Salamat."

"Eh? Bat ikaw ang nagpapasalamat?"

"Wala. Basta." Eh? Labo talaga nun.

"May lakad ka?" Tanong niya sakin. Siguro napansin niya kasi nakapang alis ako.

"Ah oo. Mag mamall lang ako. Di ko naman kasi alam na hanggang new year na pala tayo dito eh wala akong damit. Kaya eto. Mamimili."

"Ah, sige ingat." Iniwanan ko na siya doon sa kwarto tapos bumaba na at nagpaalam sa kanila. Ayoko nang isama si Thanea. Di naman sasama yun eh.

"Uyy guys! Aalis muna ako ha? Mag mamall lang. I need to buy clothes. Wala na ako eh."

"Ingat!" Sabi ni Tyrone at Dylan.

"Wait! Gusto mo samahan na kita?" Offer ni Nathan. Nako, buti pa 'to.

"Ah hindi. Wag na. Ako na bahala. Salamat na lang." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Uy teka, pupunta ka ng mall? Bili ka naman ng pang Noche Buena natin later. Wala pa kasi eh. Okay lang ba?" Tanong ni Gab. Oo nga pala. Christmas na tomorrow.

"Oh sure. Ako na bahala." This is it! Mahilig pa naman akong magluto. Ako na lang mag luluto mamaya!

Umalis na ako. Nag commute lang ako ngayon. Pagkarating sa mall, bumili na ko ng mga damit. Under garments, shorts, shirts and everthing. Pati yung swim wear. Two piece syempre. Di ko naman kailangan ikahiya katawan ko eh. After nun, pinalagay ko muna sa baggage counter yung mga gamit ko. Mag lulunch na muna ako tapos grocery. Dito lang ako kumain sa KFC. Sarap dito eh! Lalo na yung brownies and gravy! Tapos may Krushers! Tapos yung spoonfuls! Sige na po. Ako na matakaw. Maya maya may lumapit sakin. Pero di ko tinitignan. Busy ako masyado sa pag kain ko.

"Can I share a table with you?" Tanong niya sakin.

"Sige lan- Innigo? A-anung ginagawa mo dito?Okay ka na ba?" Tanong ko.

"What a co-incidence! Nandito ka rin pala!" Sabi niya.

"Nagpapatawa ka ba? Kasi kung nagpapatawa ka paki inform naman ako ng makatawa na ako." Sabi ko sa kanya. Aba! Gaya gaya pa ng inorder ko!

"Joke lang naman. Oo. Okay na ko. Ang galing mo mag alaga kagabi eh! Nalaman ko sa kanila na nagmall ka mag isa kaya sinundan na kita. Baka mabastos ka nanaman diyan eh. Thank you nga pala kagabi at di mo ko iniwan." Sabi niya. Shet. Protective nanaman siya. Ang gwapo niya talaga.

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon