Existence 13 (One Week Christmas Fair Day 2)

2.2K 43 3
                                    

 December 17 - Day 2

Bazaars

"Wahhhhhh! Andami niyo namang ibebenta? Oh sige, ayusin mo na yan. Basta ayusin ang prices ha." Sabi ko sa mga team mate ko. Grabe wala na ba silang ititira sa bahay nila?

"Oy eto pa. Yung mga sapatos dun sa kabilang dulo."

"Oo. Etong damit paki hanger naman diyan."

"Eh etong accessories saan?"

"Bahala ka na. Basta sama sama okay na yan."

Grabe. Buong kwarto yata nila dinala nila eh? Ako nga konti lang dinala ko eh. Sana mabenta namin to lahat. Diba bazaar ngayon? So eto kami, benta benta din!

"Ate Monica, pinapatawag ka daw ni Ma'am Lopez. Now na daw. Punta ka na daw sa office niya." salubong sa akin ng isang officer na lower ang level sakin. 3rd year ata to?

"Ah sige." Bakit ako pinapaptawag? Lagot! May kasalanan kaya ako?

"Besy, bakit ka pinapatawag ng principal? May kasalanan ka ba? Ano yun? Bakit?" approach  sakin ni Thanea.

"Ewan ko nga eh. Nako.. ano kaya yun? Wala naman akong ginagawang masama."

"Ewan ko rin. Mabuti pa at pumunta ka na doon. Gusto mo samahan kita?"

"Hindi na. Kailangan ka dito. Sayo ko ipagkakatiwala yung pera. Mahirap na."

"Sure ka?"

"Anong sure?"

"Sure ka na sakin mo ipagkakatiwala ang pera o sure ka na kaya mo na magisa?" Sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan naman ako.

"Joke lang. Ano kaya mo na mag isa?"

"Yes. Kaya ko to! Malinis ang konsensiya kong wala akong ginagawang masama."

"Ang OA mo ate Monica and ate Thanea. May ipaguutos lang daw si ma'am. Punta ka na dali! Ang daming gwapo!" Sabat nung tumawag sakin kanina. Huh? Gwapo?

"Gwapo ba kamo? Pwede ako na lang ang pumunta? De joke. Sige na Monica go!"

"Oh sige, mauna na ko."

"Chika mo mamaya besy ha?"

"Oh sure."

Nagpunta na ko dun sa office. Ano nanaman kaya yun? Pagkarating ko sa loob ng office, I knocked and entered and OHMYGOLLYLOW! Ang gwagwapo nga! Bumulantang sakin ang 5 lalaki. Mukha silang mga models sa sobrang gwapo. Nakakatulala.

"Ah, Ms. Cervantes?"

"..."

"Ms. Cervantes?"

"..."

"Ehem."

"A-ah y-yes Ma'am!" Ugh! Nakakahiya! I almost drool at them! Nakakahiya ka Monica. Nakita kong ngumiti yung isa. Yung isa naman nagpipigil ng tawa. Ugh!!! Nakakahiya talaga.

"As you ca-"

"Ma'am may kasalan po ba ko? Ano po yun? About po ba dito sa fair? Di niyo po ba nagustuhan? Sorry po Ma'am! Aayusin ko na lang po!"

"No, no, no. Wala kang kasalanan."

"Ahh Hehe. Akala ko po k-- then, bakit niyo po ako pinatawag ma'am?"

"Thise boys.." tinuro ni ma'am yung mga boys. Natignan ko nanaman sila. Pero wait.

wait lang talaga.

Processing...

Loading...

Wait lang..

Pero parang nakita ko na sila.

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon