Existence 39

1.3K 30 1
                                    

Author's Note:

Oh diba! Told ya! Two updates <3

Pero abangan niyo next update.

BIG PROBLEM is coming ^_^Y EXPECT THE UNEXPECTED!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hmmm... Ano ba yan. Napaginipan ko nasa Starbucks. Nakapikit pa rin ako. Pero teka...

Panaginip nga ba yun?

(-.-) Loading loading.....

(=.=) 99%...

(O.O) Loading Complete.

Oh shoot! Nakatulog ako sa Starbucks! Pero.. bakit ako nasa kama? Bakit ako nasa kwarto ko?

Pababa na sana ako nang makita ko si Innigo sa gilid ng kama ko. Natutulog rin.Halatang pagod siya. Kawawa naman to. Ano ba talaga ang nangyari?

"Hmm.." Sabi niya. Haha. Nananaginip to. Teka... Iba na ang damit niya.Ilang araw ba kong natulog?

"Innigo?"

"Hmmm... Oh. Gising ka na pala."

"Uhmm. Ilang araw na ba kong natutulog?"

"Kahapon kasi sa Starbucks hinimatay ka. Di ka magising. Agad kitang inuwi rito. Nagpatawag din ang kuya mo ng family doctor niyo." sasabihin ko ba na tumawag si Sophia? Wag na. Tsss.

"Ikaw ba nagbantay sakin?"

"Sort of. Ako nagbantay sayo kahapon hanggang gabi tapos pinauwi na rin ako ng kuya mo. Tapos bumalik ako kaninang 6." tumingin ako sa relo. 9 na pala.

"Si kuya asan?"

"Susunduin daw parents mo."

"Ano?! Ay! Oo nga pala ngayon ang uwi nila! Oh shoot. Pero wait. Mamayang hapon pa yun ng 4 ah?"

"Aasikasuhin pa daw niya yung Venue ng debut mo. Inayos na kasi eh."

*knock knock*

"Pasok." sabi ko.

"Oh. Hi Pats."

"Hi Niks. Ok ka na?"

"Oo okay na."

"Nga pala bro. Papunta na raw sila Gab. Kasama barkada."

"Ah ganun ba?" sabi ni Innigo.

"Kasama si.. Daniel." Napatingin si Innigo kay Pats. Tapos nag nod siya. Hay buhay.

Maya maya lang ay dumating na rin yung ABoys. Yun ang tawag ko kasi kumpleto sila. Kasama si Daniel eh. Pumasok na rin sila Thanea, Joice at Justine.

"Kayo naman. Para naman ako nitong may sakit." biro ko sa kanila.

"Bakit ka daw hinimatay sabi ng doctor?" Tanong ni Nathan.

"Oo nga?" Pagsang ayon ni Dylan.

"Baka daw sa pagod sabi nung doctor. Pwede ring gutom." paliwanag ni Innigo.

"Ah oo. Coffee lang kasi kinain ko nung lunch. Nga pala guys. Dad paki abot yung Invitations. Buti di yan nawala." Inabot naman sakin ni Innigo. Kanina pa tahimik yan. Naiilang siguro kay Daniel. Hay nakooooo.

"Eto oh." Inabot ko sa kanila isa isa. Nagulat nga si Daniel pati siya inabutan ko eh. Lalo naman ang barkada. Syempre ang alam nila pati ako galit kay Daniel. When the truth is not. Oo nung una nagalit talaga ako pero sino naman ako para hindi magpatawad diba? Lahat naman nagkakamali. Naks! Gumaganon na ko! Epekto ba 'to ng papalapit na pag 18 ko? Nagmamature na ba ko? Mwahahaha.

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon