Existence 35

1.6K 38 1
                                    

Author's Note:

Sorry sa sabaw na update! Sorry sa late update. Naging sobrang busy lang. Sorry talaga. Keep supporting please! Happy 4k :'"> Salamat po sa mga sumuporta!  Pagpasensyahan po ang update ngayon. Sa phone lang ako nagupdate eg. Sorry ulit! :'* Oh eto naaaaa!

Ay wait! New Cover. Whatcha think is better? The old or this new one? Comment please!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Oh my goodness! 2 weeks nang kami ni Innigo. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. May nawala sa akin nung gabing yun...

Ooops! Hindi V-card. Kayo naman oh. Ang bata ko pa no! 17 pa lang ako. OA lang kayo. Ang nawala sa kin? Title ko ng pagiging NBSB. Oh diba saklap lang? Pero ok lang yun. Kung si Innigo ba naman ang magiging boyfriend mo tatanggi ka pa ba?! Kita niyo naman yung sweetness. AT EFFORT. Bilang na lang ang mga lalaking dadaanin sa effort ang isang babae no! And I'm very lucky to have one! Hanggang ngayon pag naaalala ko yung gabi ng Feb. 14 kinikilig pa rin ako! Yung mga roses? Andun sa kwarto ko nakatago.

Oo nga pala. Tapos na ang klase namin. Sa wakas!!!! Magcocollege na kami! Dito sa school namin, walang Prom. Ewan ko ba kung bakit. Nakakainis nga eh! Never ko tuloy naexperience. Pero ok lang. Pag pumapasok kami sa school puro practice na lang ng graduation. 1 month practice siya. Sa March 31 ang graduation namin. I'm sooooo excited!

"Mommy, tawag ka na sa stage para sa speech practice mo." boyfriend alert!!

"Yes Daddy. Susunod na ako." Oh shet lang diba? Siya nag insist ng tawagan na yan. Medyo corny pero pag galing sa kanya ang sweet pakinggan. :"">

Pumasok na ko sa loob. Hanggang ngayon di ako makapaniwalang gragraduate ako as Valedictorian. Parang isang panaginip.

"....And now, for our Valedictorian Address, may we call on... Ms. Monica Claudette Cervantes. A round of aplause please." Umakyat na ko ng stage. Pag tingin ko sa harap, ang dami pala naming gragraduate.

"Another chapter of our lives has ended. Those laughters. Those trials. Those hatreds. All of those memories has to come to an end. But every ending has a new beginning. New friends. New challenges. New faces. New happiness. New trials. New battles. And a new world. We may not be ready to leave this chapter of our lives, but I know, we will never forget this. We learned so much. Being a student is not about the assignments, the recitations or the quizzes. It's about how you build your character. How you mold your future. The foundation you used to plan your tomorrow. Now, we will be leaving our school. We will be leaving those messy rooms, those crazy bullies. But I'm sure that we will never forget this part of our lives. 4 years of Highschool. Yung ilan nga dito natutong umibig eh. Dito natutuong masaktan. Pero! Dito rin natutong tumayo at bumangon muli. Sana sa future makita ko kayo ulit. Kayo na bumuo ng highschool life ko. Ang nagturo sakin kung paano maging ako. Ako na nandito ngayon. Tomorrow, we will be stepping out of our shells. Make mistakes, go wild, take risks, but always remember, don't forget to learn. Good Bye my dear schoolmates! Hanggang sa muli nating pagkikita. Thank you."

*clap clap clap*

Bumaba na ako sa stage. Oo yan ang ginawa kong graduation speech. Maikli lang. Pero galing sa puso.

"Naks naman Monica! Parang totoo ah! Excited masyado sa graduation? Haha." kumento ni Gab.

"Haha! Damang dama ko na nga eh!" kumento naman ni Nathan. Haha! To talagang mga to.

"Ayos ba?" nakangiti kong tanong sa kanila.

"I'm very proud of you bes!!!" sabay hug sakin ni Thanea.

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon