Existence 41

1.1K 31 0
                                    

Author's Note:

SALAMAT. Salamat po sa mga nagbabasa pa din. Salamat sa mga nagbasa ng TFT haha! Relate much ako dun! Sobra. Sa mga nagtatanong po another story ko po yun :) Check niyo po sa works ko :) Yun lang! Malapit na po DEBUT ni Monica ^_^ Happy TWO MONTHS pala nung June 6 :))) Di ko akalain na magkakaroon ako ng 7,000+ readers :) Thank you sa inyo!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hay salamat po Lord. For now, wala munang problema.

Hay! Kahit birthday ko bukas may mission pa rin akong gagawin? Kamusta naman yun? Oo nga pala. Nakauwi na ko galing sa condo nila. Naexplain ko na rin sa kanila lahat. Ok naman. Todo thank you sila sakin. Lalo na nung hindi muna ipagkakalat yung about sa kasal kasal thingy na yan. Ngayon papunta ako sa condo ng aking dear sister.

Na-a-ah! Hindi si Ella! Walang condo yun remember? Ang tinutukoy ko ay siiii... Tantananan!!!

Si Yannie! Oo si Yannie. Nagulat kayo no? Iimbitahin ko lang naman siya para bukas. Am I up to something? Ofcourse ^_^

Nandito na ko ngayon sa building. Woah ang laki. Bigatin na talaga yung pinsan kong yun. Syempre model eh. Naka pangdisguise ako ngayon bakit? Secret. Wahahaha! Joke lang. Kinulot ko lang yung buhok ko para walang makakilala sakin. Tapos nagshades ako kahit makulimlim xD Ganyan talaga. Naka boots din ako tapos yung damit ko pangdetective. Wahahah! Ang cornii ko pero wala eh. Feel na feel ko. Nung pagpasok ko, magisa lang sana ako kaya lang may humabol na babae. Kaming dalawa lang tuloy ngayon. Tsk. Ang taas din pala ng building na to no? 70 floors eh. Nasa 53 yun kay Yannie.

Teka. Si Yannie ba to? Oo nga siya nga! Pero bakit di niya ko nakilala? Ahh. Nakashades nga pala ako. Siya kahit naka pangdisguise kilalang kilala ko parin.

*tringg*

Uyy. Phone niya yun hindi akin. Teka makikieavesdrop ako.

"Hello?- Oh?- Ano? Ininvite kayo ng mga Cervantes?" Teka. Debut ko ba tinutukoy neto?

"Wag kayong papalya ha. Nako nako. Kundi talaga ibubunyag ko sikreto niyo." sekreto? Anong sekreto?

"Ay ang kulit mo! Sige sasabihin ko na sayo ng tumahimik ka. Yung tatlong babaeng yun, harang sila sa landas ko! Inagaw nila sakin pati sina Gab, Dylan at Tyrone! Dati ako lang ang prinses nila pero ngayon? WALA na! Mga traydor sila! Kaya dapat maganap na agad ang kasal. Maliwanag? Pumunta ka sa condo ko. Ngayon din! Siguraduhin mong walang makakasunod. Iiwan kong bukas ang pinto." tapos binaba na niya.

O.O

Tama nga ako. Siya nga ang may pakana. Pero.. Ano yung sikreto? Walangyang babae to! Pati sila Dylan, Gab at Tyrone gustong agawin?! Gustong gusto ko na siyang sabunutan pero di pwede. May pakay pa ko. Gusto kong malaman kung anong kunekta nila ng mga Castillo. Siya ang master mind. All I need to do, get an evidence.

Andito na pala. Pauunahin ko muna siya. After 30 mins saka ako papasok.

Kung pupunta dito yung kausap niya... Better yet maging ready ako. Iiwan ko ang phone ko dito.

Nung maka 30 na naman ay sinubukan ko nang pumasok. Nakatayo na ko sa tapat ng pinto.

INHEYL.

EKSHEYL.

Kunwari wala kang narinig. Kahit nanggagalaiti na ko sa inis. Kaya ko 'to.

Dahil naman sabi niya kanina iiwan daw niyang bukas ito, papasok na lang ako.

Ayan. Nandito na ko sa loob. Isinabit ko yung coat ko sa may pinto. Nandun ang IPhone kong nagrerecord na. Oo sinet ko na siya. Nakita kong nakatalikod siya sa akin. Nakaharap siya sa mesa.

"Yanni-"

"Salamat naman at dumating ka na. Marami pa tay- M-monica?" akala niya siguro ako na yung pinapapunta niya. Gulat na gulat siya.

"W-what are you doing here bitch?" bati niya sakin. Ok. Patience Monica. Patience. Nginitian ko siya.

"I'm just going to give this to you." inabot ko sa kanya yung invitation. Nagdalawang isip pa siya bago kunin ito. Pero kinuha rin niya.

"Birthday ko bukas. Siguro naman kahit magkagalit tayo di mo naman yun nakalimutan diba? I want you to come. Kahit naman may gap tayo, pamangkin ka pa rin nila Papa. So.. They expect you to come lalo na nandito ka lang sa Pilipinas. That's all. Sige na. Aalis na ko.Mukhang may ineexpect ka pang bisita eh." tumalikod na ko agad at lumabas. Sinadya kong iwan yung coat ko. Habang nasa labas ako, nagabang ako dun ng darating. Nakakainip naman.

After 15 mins.. May dumating na lalaki.. T-teka. S-si Mr. Castillo yun diba? Oh my. Sabi na nga ba eh. Paano ko siya nakilala? Nakita ko na siya dati. Tandaan niyo schoolmate ko si Ryan.

Nagantay pa ko. Can't wait to know what they we're talking about. Tama ang kutob ko. Wow Monica. Good Job! Dapat ata mag Criminology ako eh. Pero ayoko nga. Sayang lang ang beauty ng lola niyo. Maya maya lang ay lumabas na rin si Mr. Castillo. Bengaaa. Nagantay nanaman ako ng isang oras bago bumalik. Syempre para di obvious. After ng sobrang nakakainip na isang oras, kumatok na ko. Syempre nakalock na yun. Bumukas nanaman yung pinto.

"Ano nanaman kailangan mo!?" iritadong tanong niya.

"Yung coat ko kasi, nakalimutan ko kanina. Napansin ko lang nung nasa bahay na ko." syempre sasabihin kong nasa bahay para di ako paghinalaan.

Di na niya ko pinapasok pero inabot niya sakin yung coat ko. Ay di pala inabot, hinagis pala sa pagmumukha ko =_= Patience... Grrrrr.

Umuwi na ko sa bahay at excited na pinakinggan ang record. Pumasok na ko sa kwarto ko at pinakinggan ito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Boom. May ebidensya na ko. Totoo nga. Ano yung sikreto? Tsk. Di tunay na ina nila Ryan, Enzo at Cla ang tumatayong ina nila ngayon.

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon