*tok tok tok*
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo."
"Sino po ate? Ate naman. Monica na lang po itawag niyo sakin. Masyado naman po kayong pormal eh."
"Sige po M-monica. Lalaki po yung nasa baba. Matangkad po tapos gwapo." Kinikilig niya pang sabi.
"Po? Ah sige po. Bababa na lang po ako."
"Oh sige po."
Hay. Sino naman kaya yung istorbong yun? Nagdedecor ako eh Christmas na diba? Syempre kahit tatlo lang kami dito sa bahay I still want to keep the spirit of Christmas. Sino yung kausap ko kanina? Si ate Leng. Kumuha pala si Mommy ng katulog para daw di kami nahihirapan dito. Teka sino naman kaya yung lalaking yun?
Bumaba na ako. Naka shorts lang ako tapos sando. Nandito lang naman sa bahay eh.
"Ate, paki prepare nga po ng- IKAW?"
"Yes. Ako nga. Tara na!"
"Tek- AHHHHHHHHHHHH!" Binuhat ako bigla!
"Put me down! Put me DOWNNNNNNNNNN!" Sigaw ko.
"Okay. Lets go!" Tapos biglang humarurot yung kotse.
"ARAY! Ano ba kasi!"
"Diba slave kita? Pwes, eto yung unang araw."
Ugh. Guess what? Nananahimik ako sa bahay at nag dedecor tapos bigla akong binuhat na lang ni Innigo palabas ng bahay at isinaksak dito sa kotse nya na parang gamit lang tapos pinaharurot ang kotse ng sobrang bilis. Kamusta lang diba? Naka shorts and sando pa ako with matching bedroom slippers.
"Sana man lang tinanong mo muna kung may ginagawa ba ko no? Sana man lang pinag ayos mo muna ako no? Sana man lang hinayaan mo muna akong magpalit ng dam-AHH!" Di ko natapos yung panenermon ko nung bigla siyang may hinagis na kung anong malambot sa mukha ko.
"Ano to?"
"Baka cotton candy try mo. Can't you just state the obvious?"
"Tsss. Eh para san nga to?!"
"Nagrereklamo ka ng ganyan damit mo edi ayan! Binigyan kita. Daldal daldal eh! Isa pa."
"WHAT?!" Nakakainis ha.
"Di mo iniingatan yung regalo ko sayo!"
"Ha?"
"OH!"
"Aray!" May hinagis nanaman sakin itong sira ulong to. Nasa box sya tapos ang laman ay sap-
"TEKA! Bakit nasayo to!" Yung laman kasi yung exchange gift niya kahapon sakin. Yung sapatos.
"Eh wala ka kasing pag papahalaga sa gamit! Iniwan mo sa kotse kagabi!"
"Tsss. SORRY NAMAN HO AH!" Tapos humalumbaba na ako sa bintana. Kabwisit to. Hahatak hatakin ako doon sa bahay tapos sisigaw sigawan lang ako? Ni hindi, URGH. Wala pa akong dalang cellphone or kahit anong make up man lang. Tssss. Bwisit bwisit bwisit!
"Hoy, saan mo naman ako balak pagbihisin?" Tanong ko. Syempre. Mag aabot abot ng damit ano to kakainin ko?
"Bakit, may balak ka bang dito sa harap ko?" Naka evil smile siya.
"BASTOS! Subukan mo lang magagamit ko sayo self defense ko." Brrr! I felt goosebumps all over my dead sexy gorgeous body.
Nagstop kami sa isang gas station. Magpapagas ata.
"Hoy alipin. Diyan. Diyan ka magbihis sa cr."
Tsss. Di ko na lang siya pinansin at nagtungo na sa cr. Nag bihis na rin ako and WOW. Ang ganda ng dress. Bagay na bagay sakin. And you know what? Ternong terno dun sa sapatos na binigay niya! Ang GANDA.
![](https://img.wattpad.com/cover/14514740-288-k723676.jpg)
BINABASA MO ANG
He Really Exists, What?
RomanceStatus: Completed but under revisions (removing the "jeje" factor) Isang simpleng buhay ang meron ako. Okay na. Masaya na ako. Contented. Kahit never pa akong nagkaroon ng boyfriend. Boyfriend lang pala eh. Panira ng studies. Oh well. Ang problema l...