Existence 51

1.5K 31 1
                                    

*Monica's POV*

"Ma! All is set! Papunta na po dito barkada ko."

"Sige anak. Just play with your siblings. Wag ka magpapagod ha."

"Yes mom!"

Umalis na ko sa kitchen and dumeretso na kina Faith at Charity. Biruin mo yun. Kapatid ko pala sila. Kaya pala ganun na lang ang pagkagaan ng pakiramdam ko sa kanila. Nung una nagalit ako kay nila mama dahil itinago nila to samin na may kapatid kami. Pero di nagtagal pinatawad na rin namin and promised never make a lie again.

"Babe."

"Yes Babe?" ngiti kong lingon kay Innigo. I'm so lucky to have him. 1 month after what happened, lagi na siyang nasa tabi ko. Halos di na nga ata to umuuwi sa kanila. Ewan ko din. Bigla na lang yan naging over protective sakin. As if may malubha akong sakit. Haha! Funny.

Sumakit nanaman ulo ko. Nakakainis lagi nang sumasakit ulo ko. Pinapainom lang naman ako ni mama ng gamot. Pero pakiramdam ko may hindi siya sinasabi sa akin. Bahala na nga. Lagi pa kong hinihimatay. Lahat naman sila sinasabi pagod lang daw. Eh hindi nga naman ako nagpapagod eh. Ayaw nga nila akong pakilupsin eh.

"Wag ka na magpagod."

"Ang OA mo babe. Nagiihaw lang ako ng barbeque." Nandito kasi kami sa pool side. Nagswiswimming sila Faith and Charity kasama nung mga naging kaibigan nila sa ampunan.

"Wag ka na kasi diyan. Hayaan mo na sila manang."

"Ikaw ha. May tinatago ka no." biro ko sa kanya pero...bakit bigla siyang namutla?

"A-ano kasi.."

"Hey babe, I'm just kidding. Ok ka lang?"

"O-okay lang."

Naweweirdohan na ko sa actions nila ah. Lagi na lang silang ganyan nila mama. Even kuya and Ella. Alam ko may itinatago sila. And I need to confirm it. I'll find it on my own. I promise.

"Monica!"

"Uy! Thanea, Tyrone, guys. Buti nakarating kayo." nandito na pala sila. Buong tropa.

"Naman! Alam ko naman na gustong gusto mong nakikita kagwapuhan ko eh."

-.- Pigilan niyo ko itutulak ko tong si Gab sa pool.

Nagtawanan nanaman sila na parang nababaliw lang. Nakakatuwa kasi gragraduate na lang ako nakilala ko pa sila. Nagkaroon pa ko g new circle of friends.

"Si Yannie?" tanong sakin nila Justine at Joice.

"Ah bumalik na ng states. Marami pa daw siyang aasikasuhin dun." sabi ko. Maya maya tinawag na kami ni mama para kumain na.

Lumapit na ko sa pool side at tinawag ang kambal. Nakakatuwa at kapatid ko pala sila.

"Faith, Charity, tara na. Kakain na tayo." ngumiti sila at umahon na. Tinulungan ko si Faith. Syempre pilay siya diba. Paalis na dapat kami kaya lang parang...parang nanlabo mata ko. Tapos..tapos.. umikot paningin ko.

The next thing I knew, nahulog na ko sa pool.

---

"Hmmm..." naalimpungatan ako ng may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Pagdilat ko, si Innigo, nakabantay sakin. Niyugyog ko siya.

"Monica? Oh thank God ok ka." huh?

"Bakit? Ang aga mo ata ah? Teka. Bakit ka nandito?" binigyan niya ko ng confusing look.

"Huh? W-wala kang maalala?"

"Nye? Nagshopping kami ng mga kambal kahapon. Bakit?" yun lang naman ginawa ko ah? Morning na. Ano bang nangyare?

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon