December 18 - Day 3
Free Day
"Monica, wake up! Yuhooo.." Ugh, inaantok pa ko eh. Pero teka, gising na ba ko? B-boses ng lalaki yun ah? N-Nathan? Nah. Maybe I'm just dreamin-
"Nath, (A/N: Pronounced as "Nate") tulog mantika yan eh. Sobra." H-HUH? I-Innnigo ba yun?
"Ang tagal naman magising. Nabobored na ko." T-teka! Boses naman ni Daniel yun ah!
"Tara buhusan natin ng tubig na may yelo! Tignan natin kung di yan magising." DYLAN?!?!
"Sigawan ko wait lang." Tyrone?
"Wag na. Kawawa naman. Kissan mo Innigo dali. Baka nagmamala-snow white." Si Gab naman ngayon? Teka nga. Parang masyado na ata akong binabangungot. Makadilat na nga. Siguro hallucinations ko lang sila.
"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
"Hoy! Tumigil ka nga kakasigaw! Papasukan ko ng unan yang bibig mo!" Saway sakin ni Innigo.
"H-hoy! B-bat kayo nandito sa loob ng kwarto ko? Anong gagawin niyo?!" Naiiyak na ko. Natatakot ako. Anim silang lalaki. Nag-iisa lang akong babae dito sa kwarto ko and I just met them yesterday. Alam ko napaparanoid lang ako pero Natatakot ako! Alam niyo na! Nakakatakot baka.. Basta nakakatakot!
"Hoy! Magtigil ka nga jan! Pinagsasabi mo diyang gagawin namin? Umiiyak ka pa? Timang! Magtigil ka nga! Mga nasa isip mo!" Sigaw sakin ni Innigo. Sila Dylan halatang nagpipigil ng tawa. Tsss.
"E-Eh bat nandito kayo? Not to mention sa loob pa ng kwarto ko?!? I aready told you AYOKO NG LALAKI SA KWARTO KO!" Naiinis na ko eh. Ginulo na nga nila tulog ko ang kapal pang pumasok dito sa loob without my permission? Aba! Bahay nila ba 'to? Nakakainis ah! Pero uy. Pahiya ako dun ah.
"Ah eh." Napakamot siya sa ulo. Ako naman nakatingin lang sa kanila ng EXPLAIN-NOW-LOOK. Nahihiya ata si Innigo na mag explain kaya si Gab na lang ang nag explain.
"Kasi aayain ka namin sa Red Box sa Trinoma. Yung karaoke na may kasamang food? We heard kasi na kakanta kayo ni Innigo sa concert. Kaya we want to hear you practice! Kaya bihis na dali!" Excited niyang inexplain pero WAIT.
"Ayoko! Hindi namin pwwedeng kantahin yun sa harap niyo. Surprise performance yun. Kung yan lang ang sasabihin niyo pwede na kayong umuwi. URGH! Inistorbo niyo tulog ko para lang dun? GET OUT OF MY ROOM! NOW!" nagtalukbong lang ako ng kumot at babalik na sana sa naudyot kong tulog nang-
"WAH! Bitiwan mo ko! Put me down!" Bigla na lang akong binuhat ni Tyrone ng parang bagong kasal papunta sa banyo.
"Maligo ka na! And one more! Kumain ka nga! Ang gaan gaan mo!"
Aba't! Grabe ha! Basta basta na lang daw ba kong itapon dito sa banyo?! Nilock ko na lang yung pinto. Mahirap na at nasa labas silang anim! Ay nako. Mukhang di nila ako titigilan hangga't di ako sumasama sa kanila. Naghubad na ko at nagsimula nang maligo.
"HOY DI KA PA BA TAPOS DIYAN? ANTAGAL NAMAN!"
"CHE!" sigaw ko sa labas. Maghintay sila! Huh! Kahapon nga napakatagal nila sa banyo.
Nang matapos na ko. Narealiza ko bigla....
W.A.L.A. A.K.O.N.G D.A.M.I.T.
Kamusta naman yun? Urgh. Dinikit ko yung tenga ko sa pinto. Syempre ichecheck ko muna kung nandiyan pa sila or wala na no. Ano ako duh? Lalabas ng nakatwalya? Baka marape pa ko. Wag na. Nung dinikit ko yung tenga ko sa pinto, narinig ko silang nag uusap usap. Oh well, andiyan pa sila which means HINDI AKO MAKAKALABAS.
"Uh, guys? Labas muna kayo please? Kukuha lang akong damit." Sumigaw ako sa labas. Syempre no? Alangan namang lumabas ako saka ko sasabihin. No No No.

BINABASA MO ANG
He Really Exists, What?
RomanceStatus: Completed but under revisions (removing the "jeje" factor) Isang simpleng buhay ang meron ako. Okay na. Masaya na ako. Contented. Kahit never pa akong nagkaroon ng boyfriend. Boyfriend lang pala eh. Panira ng studies. Oh well. Ang problema l...