Existence 6

2.2K 57 2
                                    

"CLASS!" Nakooooooo! Andyan na! Feeling ko maiihi ako sa sobrang kaba nito eh.

"May bago kayong classmate, he's from States but he 's a Filipino. Please introduce yourself."

Di ako makatingin ng diretso sa kanila. Hindi ako makapakali. Mag may I go out na lang kaya ako?

"Hi Guys! I'm Innigo, Innigo Carl Dinaro. Please be nice to me." Ayan na. Oo nga! Siya nga! Sa dinami dami naman ng tao na pwedeng itransfer dito siya pa! Nagsimula na ang bulong bulungan sa loob ng classroom. Patay talaga ako neto!

"CLASS! Bakit kayo nagbubulung-bulungan?"

"Ma'am! Siya ba yun? Monica? Yan na ba yun?" Sabi nung isa kong classmate.

"Yes? Monica? He's nice. He's handsome." Sabi naman nung maarte kong classmate.

"Tombsy! Siya ba yung kaagaw ko sa puso mo?" Yuck. Eew. Kadirs.

Parehas kaming napatingin ni Innigo kay Kevin.

"Oo nga Monica. Di mo naman sinabing dito sya magaaral. And infairness! Ang pogi! Ang yummy ha!" Sabi nung isa ko pang kaklase. Patay tayo jan!

"Tigilan nyo nga ang bestfriend ko at boyfriend nya PWEDE BA?" Ayan! Thanks Thanea!

"Will you all please shut up! I don't want those kind of topics! Keep QUIET! May new student tayo di na kayo nahiya! And Mr. Innigo, seat beside Monica." Di na nakayanan ng teacher namin yung ingay. Habang papalakad dito si Innigo, nakatingin lang sya sakin yun bang EXPLAIN-THIS-TO-ME-LOOK. Hala mas natatakot tuloy ako. Maya maya ay nakaupo na sya sa tabi ko. Di ko sya matignan.

"Monica, accompany Innigo today. Show him the whole school grounds, discuss with him the rules, show him your schedules. Are we clear?"

"But Ma'am I ha-"

"Besides, YOU are the CLASS PRESIDENT. Oh let me correct, YOU are the STUDENT COUNCIL's PRISIDENT. Okay?"

"Y-yes Ma'am."

"Class! Hanggang 11:40 lang ang classes nyo today. Tapos..."Bla bla bla bla bla. Kung ano ano pang inonnounce nya. WHAT? ITOUTOUR KO SYA?!  WAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!

Nakikita kong kanina pa sya nakatingin sakin. Pero uy ha, di ko sya tinitignan. Nararamdaman ko lang and NAKAKAILANG. Oo na! Siya na gwapo. Pero haller? Maganda naman ako.

"Hey you, self proclaimer, we, you and I need to talk."

Uh-Oh. You? Ako yun diba? Di naman her? Sabi YOU so ako yun diba?

Nagsimula nang magklase si ma'am and after 123456789 years ay dinismiss narin kami. Phew! Lumapit sakin si Thanea habang si Innigo, inaayos ang gamit nya.

"Tara na Monica?"

"So, Monica is the name?"

"Ay! Petrang kalabaw!" nakakagulat naman tong si Innigo. Bigla biglang sumusulpot!

"Uhm, I'm Monica Claudette Cervantes. Sor-"

"And I'm Thanea Mendiola. Her beautiful bestfriend."

"Sabat ng sabat, Than?"

Napatingin kami ni Thanea kay Innigo. Bigla kasing tumawa.

"Eh?"

"You're so funny. As I said earlier, we need to talk. You have to explain that issue. Ano yung sinasabi nila? Na boyfriend mo ko? I haven't met you before, I didn't even courted you and I don't know you?" Grabeng tanong! Pang Ms. Universe! Kinakabahan ako!

"Ah, Eh, A-ano k-kasi..." 

Naghahanap ako ng sagot sa paligid. Parang tanga lang ako.

"Nagkaroon kasi kami ni Monica ng Imaginary Boyfriend Thingy. At unfortunately, ikaw yun." pag eexplain ni Thanea.

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon