Existence 50

1.1K 26 0
                                    

A/N: Anneyeonghaesayo! Tama ba spelling? xD May sasabihin ako. Haha! Ang hirap :( Dito heavy dapat ang aura ko. Tapos sa kabila bibo dapat. Nakakabobo. Haha. Kaya pansin niyo nagiging heavy na rin yung FTF, dahil dito yun eh! xD Haha! Starting from now, i'll be using 2 Point Of View na lang. Sorryyyy HAHA. Matagal tagal na po ulit bago niyo marinig ang POV ni Monica, right now, I'll be focusing with Innigo's and Third Person's POV. Hehe. Wag po kayong bibitiw sa story ko ha? Kahit di niyo magugustuhan ang flow please. Hehe. Yun lang po!

~Auts.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

*Innigo's POV*

I wake up by her side. 2 weeks na siyang tulog. Oo. Ganun katagal. Masakit. It really hurts me so much seeing her in this situation. Hindi pa nagsisink in sa utak ko ang nangyare. She had an accident before, and wala siyang alam dito. Hindi pa clear sakin ang lahat. Hindi masabi ng kuya niya or ng parents niya ang dahilan. Para bang may pinagtatakpan sila.

Alam kong masyadong mabilis ang panahon. Magcocollege pa nga lang kami diba? I already applied at Lee University. I even passed the requirements of Monica. Diba dun kami mag-aaral. Parehas na photography ang nilagay ko. I know she wants that.

"Iho, umuwi ka muna, nung isang araw ka pa nagbabantay dito." sabi ni tita pagkapasok sa ospital. She placed the fruits at the table. Lumapit ako para bumeso.

"No tita, gusto ko po pag gising niya ako una niyang makita. Gusto ko ako una niyang makausap." bumalik ako sa upuan ko.

"Mahal mo talaga anak ko no?"

"Opo naman tita. Walang tanong tanong. Dahil sa kanya nabago po ako. Nawala ang Innigo na walang pake sa mundo o sa paligid niya. Nawala yung Innigo na selfish." lumapit sakin si tita na sumeryoso ang mukha.

"Innigo, please lang, pag nagising si Monica, walang magsasabi sa kanya tungkol sa sakit niya please. We want her to live normaly. Please. Wag na wag mong babanggitin sa kanya ang tungkol dito. Pag nalaman niya to alam ko kaaawaan niya sarili niya. Please."

"T-tita, ano po ba kasi ang sakit niya? Bakit di niyo po masabi sakin?"

"Iho please. I can't tell. I'm sorry." I sighed. Ayokong pilitin sila tita na magsalita. I respect them. Pero nahihirapan na ko. Tumango na lang ako.

"A-ano pong sasabihin natin pag nagtanong siya?"

"Sabihin na lang natin na, hinimatay siya, may sakit pala siya pero magaling na. That's it. Maniniwala naman siya eh. Please."

----

"Pre, tulala ka nanaman. Nangangayayat ka na oh. Kumain ka naman." sabi ni Tyrone sakin. Nandtio kami ngayon sa cafeteria. Kumpeto ang barkada. Wala na naman kasing klase. Next saturday Graduation na namin.

"Oo nga. Tignan mo sarili mo. Napakapayat mo na." pagsangayon ni Daniel.

"Ok lang ako." sabi ko.

"Ok? BWAHAHA." tawa ni Justine. Alam kong sarkastikong tawa yun. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tama naman kasi sila Innigo. Tingin mo ba gugustuhin ni Monica na ganyan ka?" sabi ni Nathan.

"Malamang hindi. Kami rin naman nasasaktan eh. Pero wag mo ihinto ang buhay mo." singit ni Patrick.

"Masisisi niyo ba ko? Ni hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Ni hindi alam ng doktor kung kelan siya gigising. Anong gagawin ko?" sabi ko sa kanila. Ni hindi ako tumingin sa mga mata nila. Pinipilit kong maging malakas. Pero paano ako magiging malakas kung yung sanhi ng pagiging malakas ko wala sa tabi ko?

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon