Existence 33

1.6K 40 6
                                    


"Manang si Mommy po?" tanong ko kay manang pagkababa ko. Breakfast na kasi. Ang aga ko pala nagising! Inagahan ko talaga ang gising para makausap sila Mama at Papa. Asan kaya sila? Hay.

"Ah umalis po ma'am eh. Mga kanina pa pong 4." Ha? 4? Eh 7 Pa lang ha?

"Ganun kaaga manang? Saan naman daw po? Kasama po ba si Papa?"

"Oo eh. May dala ngang mga bulaklak eh."

Hmmm. 4 pa naman ang party ah? Gumala nanaman siguro sila mama. Di man lang ako sinama. Huhuhu. Bonding pa man din! Kumain na ko.

"Manang sabay na po kayo sakin ni manong. Sila Joice po at Justine? Si Thanea po?"

"Hindi dito umuwi kagabi eh. Inantay nga namin ni Sid kaya lang wala."

"Po?" Grabe yung tatlong yun ha. Napapadalas ang di pag uwi dito. Hmmm... Mga bata pa sila susme! Ano ba yan! Nalalagyan ng green ang utak ko! Oh my. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Sumabay na rin sa akin sila Manang. Yummy!!! Tapsilog!! Ang sarap *o*

*DING DONG*

"Ay saglit lang ha. Titignan ko lang kung sino."

"Sige po manong." Sino kaya yun? Sila mama?

"BES!!!"

"Oh, Justine, Joice, Thanea. Bakit ngayon lang kayo?"

"Dun na kami nag overnight sa bahay nila Gab. Kayo nga lang ni Innigo wala eh. Sayang!" Joice

"Oo nga girl! Ang saya namin!" Thanea

"Unforgettable night!" Justine

"Hoy hoy hoy! Don't tell me magkakatabi kayo?" OH MY GOODNESS. Magkakapamangkin na ba ako? O.O

"Grabe ka bes! Syempre ibang room! Hanep imagination mo ah!"

"Bakit naman di niyo kami sinama? Andaya niyo!" reklamo ko.

"Eh umuwi na agad kayo eh. Uyyy! Bakit laging busy si Innigo?"

"Ha? Ewan. Tara kain. Magpreprepare pa tayo para sa party later."

"Sige."

Tapos kumain na kami. Oo nga no. Laging busy si Innigo. Siguro nambababae yun! Psh. Lagot sakin yun mamaya. Pipilayan ko. Haha! After kong kumain umakyat na ko sa taas. Tinext ko si Innigo. Di naman nagrereply. Psh. So boring. Yung mga babae? Andun sa kanya kanyang kwarto. TULOG. Siguro napuyat kagabi. 7:30 na. WAHHHHHH! Ang bagal ng oras -_- gusto ko na makita si Innigo. Di ko naman maitulog. Di ako inaantok. Kakagising ko nga lang diba. Haist -_-

*LIGHTBULB!*

 Patrick. Dialing...

"(Hello?)"

"Pats! Good Morning! Nakakaistorbo ba ako?"

"(Ha? Hindi naman. Kakagising ko lang. Sakto ka. Oh napatawag ka Niks?)"

"Uhmmm. May gagawin ka ba bago mag 4?"

"(Wala naman. Bakit?)"

"I'm so brilliant. Haha!"

After 30 mins...

"Oh iha may lakad ka?" Tanong ni manang.

"Opo manang. Babalik rin po ako ng 3."

"Ah osige. Mag iingat ka. Sinong kasama mo? Si Innigo ba?"

"Ah hindi po. Si Patrick po."

"Ah sige. Mag iingat kayo dun ha."

"Ok po."

He Really Exists, What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon